Acceptance
Their jaw dropped to the floor when I called tita, as mama. I can even hear their exaggerated sighed. Ganun ba ka imposible sa paningin nila ang masabi ko ang katagang 'yon?
It's like I just said the most absurd phrase. There’s no harm on trying right? Besides their advice's made me realized a lot of things.
Tama sila, kung gusto kong magsimula nang panibago, hindi ko ito magagawa kung lugmok parin ako sa nakaraan. Kung hindi ko parin maatim na magpatawad. Mas masasaktan lang ako kung patuloy kong paiiralin ang galit sa puso ko.
I’m giving her another chance like what my friend's wants me to do, and I just hope she wouldn’t do the same thing. Sana hindi niya sayangin ang ibibigay kong pagkakataon.
I still have a lot of questions in my head to be answered. Plano kong kausapin sila ngayong araw. I don’t think this could last until the next day.
Tumikhim si daddy na pumukaw sa kanilang lahat. Alanganin akong ngumiti bago umupo, magkatabi kami ni Zaph at Micah, pinagigitnaan nilang dalawa.
So it all make sense now, kung paanong halos magkapareho kami ng gusto ni mama sa ibang bagay. Our obsession with kare-kare, chicken sandwich and some random stuff.
I avoided their gaze as I begun eating my food. The deafening silence is creeping me out. Siguro kung hindi ko sinabi iyon, baka talak na ng talak sila Zaph at Micah.
Tanging tunog ng kubyertos ang namayani sa hapagkainan hanggang matapos kami ng umagahan.
“Kami nalang po ang maghuhugas, tita.” pagpresinta ni Zaph.
I pursed my lips, as far as I can remember they hate washing dishes. Pa-pagtrabahuin nalang daw sila ng kahit ano basta hindi ang paghuhugas ng plato. Tapos ngayon nag-volunter pa talaga.
Change is indeed an constant thing in this world.
Kaya ang nangyari, naiwan silang dalawa sa kusina para hugasan ang pinagkainan. On the other hand, I found myself sitting in front of my parents and tit—mama. Nasa magkaharap na pahabang ratten white couch kaming tatlo. Wala akong katabi habang nasa harapan ko si mommy at daddy. Si mama naman ay piniling maupo sa single sofa.
“Mom..” I bit my lips as I stared at the three of them.
The loud beating of my heart never surprised me. Parang bumalik ako sa gabing nalaman nila tita Clarries ang tungkol sa amin ni Drake.
Sumisikip ang dibdib ko sa bawat minutong lumilipas. Ano mang oras ay malalaman ko na ang totoo. I want this done, gusto ko isang sakitan nalang. Hindi ko makakayang lumipas pa ang isang araw na hindi ko malaman ang totoong nangyari sa akin—sa amin. It hurts, yes. But this is how reality impacted the human beings.
Masyadong mapanakit.
Nasaan na ba siya?
Maayos ba ang kalagayan niya?
Umaasa lang ako na nasa mabuting kalagayan ang kakambal ko sa mga oras na ito.
I’m beyond ecstatic knowing that I have a sibling. Pero ang isipang malayo siya sa akin, na hindi namin nasilayan ang mundo ng sabay ay nagpapahina ng loob ko. We should be together right?
We are twins. And twins supposed to console each other as they can feel the same intensity of emotions. However, the opposite happened. I’m about to turn 23 next year and I didn’t even know a thing about him or her.
How cruel.
“Bakit po kayo nagsinungaling sa akin, mommy.. daddy?”
Tinatagan ko ang loob para sa mga posibleng maging kasagutan nila. Siguradong masasaktan at masasaktan ako. The truth really hurts like a daggers piercing into our souls. Malupit talaga ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Dirty Secret (COMPLETED)
RomanceWARNING: This story contains foul words, profanities, sexual content etc. ----- Moving into a place where you used to live with. The surrounding where you used to smile often and where your laughter's can only be heard. A place what they called par...