Bracelet
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam na sikat pala itong pinsan ko. Sabagay, hindi naman ‘yon nakakapagtaka with his background and looks.
"Good morning Ma’am!" I broke the awkward silence with a greeting.
Tumingin si Miss Flor sa akin, still wearing her signature smile. But that didn’t even last for a second. Agad siyang tumingin sa katabi ko. Humigpit naman ang hawak ko sa braso niya.
"Pinsan mo?" She asked. Her voice sounded so angelic but her features and gestures says otherwise.
Napalingon ako kay kuya ng hindi niya ito nagawang sagutin. His bored expression welcome my gaze. "Yes po. I’m his cousin." I answered on his behalf.
Ngumiti ako sa ginang. She then, laughed like we are some sort of clowns on a birthday party. We are still standing outside. Wala ba siyang balak papasukin kami?
"I thought siya na.... anyway come in. Good thing naabutan niyo ako."
Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto, urging us to enter. Napailing ako bago hilain ang katabi ko."Go inside, I’ll wait for you here."
Natigil ang akma kong pagsunod kay Miss Flor ng magsalita siya. I looked at him completely annoyed. Here we are again. Nakakalimutan sigurong siya ang may alam sa lugar na ito. He, then sighed na parang talong talo siya. Wala pa nga akong sinasabi eh.
I smiled widely when he leads the way. Natanggal ang hawak ko sa braso niya since nauna siyang maglakad.
Unlike the first room that my foot landed in this university. Wala siyang cubicles. May isang mesa malapit sa bintana and a set of sofa in the center. Plain white and gray ang interior designs. Naglakad ako patungo sa harap ni Miss Flor na prenteng nakaupo sa swivel chair niya. While my kuya sat on one of the single couch.
"Good morning again Ma’am. Magpapa-enroll po sana ako." Paunang bungad ko.
I want this to end immediately. Kahit wala akong plano sa araw na ito, who knows baka biglang may magyaya sa akin kahit wala naman akong kakilala pa.
Tumango siya bago may hinugot na kung ano sa drawer na nasa kaniyang likuran. "Here, fill out this form." simpleng sagot niya bago ilahad ang papel.
Nakangiti siya. Tinanggap ko agad ang papel bago gumanti ng ngiti. "Saan ko po ito ipapass?" I curiously asked.
"You can pass that to me. Pwede kang mag sagot dito. I will wait until you’re finished." The smile on her face never faded.
So I guess mali ako sa part na akala ko another Analiese siya. Well what do I expect? She’s a teacher in the first place. Hindi katulad ng Analiese na parang linta kung maka dikit kay kuya. Except that, nakaka-intimidate ang awra niya.
I nodded in response. Tumayo ako at lumapit sa sofa where my cousin was sitting. Na ngayon nakaharap sa cellphone. I sat in front of him. Hindi man lang nagawang mag-angat ng tingin. He's too engrossed with his business.
Kinuha ko ang dalang ballpen at nagsimulang magsagot. I was silently answering, nasa ika-dalawang pahina na ako ng maramdaman ang marahang paglapit ng guro. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang malawak niyang ngiti. She’s always smiling. Parang wala siyang problemang dinadala.
It's somewhat, creepy.
Tinignan ko si kuya na hanggang ngayon nakatutok pa rin ang mukha sa cellphone. Obviously not giving a piece of care on his surrounding. I just shrugged and continue writing.
BINABASA MO ANG
Dirty Secret (COMPLETED)
RomansaWARNING: This story contains foul words, profanities, sexual content etc. ----- Moving into a place where you used to live with. The surrounding where you used to smile often and where your laughter's can only be heard. A place what they called par...