YELLOW 22

22 2 5
                                    

"Hindi naman na ako aalis..." iyan ang huli kong sinabi noong araw na iniwan ko ang lahat ng takot at pangamba dahil magkasama na ulit kaming dalawa. 


Ayoko na kasing umulit, tama na iyong dalawang taon na nagkahiwalay kami. Tama na ang iyak at panghihinayang, we cannot move forward if we keep on dwelling on the past. I love him at ayoko nang mawala siya kaya't hanggang kaya ko, alam niya na ang lahat ng sa akin.


"I'm a fan!" nahigit ko ang hininga ko habang tinitingnan ang Mommy ko na malawak ang ngiti habang kaharap si Yellow na kaharap ko sa mesa, hindi ko naiwasan ang pagpapalit-palit na tingin sa aming dalawa. 


"Ma'am---"


"Tita, hijo." agad na putol ni Mommy, nakahinga ako nang may maglapag ng makakain sa harap namin kaya naman medyo nabawasan ang atmosphere sa pagitan naming tatlo. 


"So, bago lang ba kayo ng baby ko?" tanong ni Mommy habang hawak ang tasa na may laman na tsaa. 


I heard Yellow cleared his throat. "Y-yes po---"


"Uh Mom," putol ko, agad na nalipat sa akin ang tingin ni Yellow. "He's my ex two years ago..." medyo humina ang boses ko.


"Ex? as in ex-boyfriend?" tanong ni Mommy at ang kamay ay parang nabitin pa nga sa gagawing pag-inom. 


"Opo..." mahinang sagot ko. 


"You got an ex? bakit hindi ko alam?" sabi ni Mommy, rinig sa buong dining room ang pagtunog ng puwitaan ng tasa noong nilapag niya iyon. "All this time you were keeping secrets from me?"


"Mom, it's not like that," agap ko. Nakita ko ang palipat-lipat na tingin ni Yellow sa aming dalawa, nagsisimula na rin bumili ang tibok ng puso ko. My Mom is sharp and she hates liars.


"Hijo, don't me get wrong but could you please excuse us?" sabi ni Mommy kay Yellow na halatang nabigla, hindi pa nga siya agad na nakasagot pero si Mommy ay inaalalayan na ng personal nurse niya mula sa pagtayo. 


"B-babe..." mahinang tawag ko sa atensyon ni Yellow at halos mapaos ang tono ko. 


"It's fine, I'm just here. I'm not going anywhere," his words are reassuring me kaya naman medyo nawala ang kaba sa sistema ko, nagawa pa nga niyang hawakan ang kamay ko at agad din natapos dahil narinig ko ang tikhim ni Mommy habang nakatingin ang mga mata sa kamay naming dalawa. 


"I'll stay here," bulong ni Yellow at nagawa pa ngang ngumiti, parang nanunuyo ang lalamunan ko kaya wala akong nasagot kundi ang tanging pagtango. Hindi ko na nagawang lumingon nang magsimula na akong maglakad. 


Nakatingin lang ako sa likod ni Mommy na nauunang maglakad at alam ko kung saan kami papunta, sa library ni Daddy noong nabubuhay pa siya. Tahimik lang kami hanggang makaupo ako at hindi ko maiwasan ang paglikot ng paningin, ngayon ko na lang nakita si Mommy na narito. It's been years...


"M-mom---" sinubukan kong magsimula pero itinaas niya ang hintuturo niya kaya nabitin ang sasabihin ko. 

Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon