"Oh my gosh! why are you with him?!" exaggerated na tanong ni Esteban sa akin habang nasa harap ako ng vanity mirror dahil inaayusan ako for today's shooting and Yellow insisted to go with me.
"Calm down!" natatawang sabi ko sa kanya at pumikit muna dahil nilalagyan ako ng eye shadow ng make-up artist na nag-aasikaso sa akin.
"Dear, did you get back together?" halatang curious siya sa tanong niya, dumilat ako saglit at tiningnan siya sa salamin.
"Si..." sagot ko, bahagyang kumurap-kurap pa ito at hindi pa nga nakapag-react agad.
"For real?!" late react na tanong niya at malakas na isinara ang pamaypay na hawak niya sa kabilang kamay.
"Hmm mmm..." I hummed as an answer.
"What happened?" he asked curiously.
"I'll just tell you after our shoot," I said.
"Sure, dear. Let's get this shoot done so I could gossip with you," medyo napailing na lang ako sa sinabi niya at hindi napigilan ang matawa.
"I can see that you're really happy right now, it's been years..." mahinang sabi niya na parang inaalala ang mga oras na siya ang iniiyakan ko dahil sobrang namimiss ko si Yellow tapos wala akong magawa gawa nang iniisip ko ang galit niya sa pag-alis ko. Napalingon kami nang may kumatok at agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang nakita ko ang ulo ni Yellow na nakasilip sa pinto.
"May I come in?" he asked politely while looking at Esteban who is now admiring him the way he look at Yellow.
"Y-yes! yes, dear!" parang natatarantang sagot ni Esteban, ganyan siya kapag may nakikitang gwapo.
"Thanks," pumasok nang tuluyan si Yellow at pinapanood ko ang kilos niya sa salamin, naglalakad ito papunta sa akin at marahan akong hinalikan sa ulo.
"You look beautiful," malalim at mahinang sabi niya sa akin.
"Thank you, babe..." nakangiting sagot ko, kumuha siya ng monoblock at inilapit niya iyon sa pwesto ko at doon naupo. Nilabas niya ang phone niya at alam kong kinukuhanan niya na naman ako ng picture para ilagay sa instagram.
"Hey, I'm not yet done!" saway ko dahil hindi pa tapos ang make-up ko.
"You're still pretty, Sunny," pairap na sagot niya habang busy akong kuhanan ng picture. If Yellow is not a musician, he would pass as a photographer.
"I am not,"
"Sure," umirap na naman siya sa akin kaya marahan kong tinapik ang binti niya pero tinawanan niya lang ako.
"Oh my gosh! they are flirting in front of me! how dare you?" Esteban reacted while bouncing on his seat. "I need my boyfriend now!" sabi nito at tumayo bago naglakad papalabas ng dressing room.

BINABASA MO ANG
Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)
RomanceMatapos ng dalawang taon, bumalik sa Pilipinas si Sunshine. Maliban sa transferee siya, nalaman niya rin na nasa iisang lugar lang pala sila ng ex-boyfriend niyang si Viel Louise o mas kilala sa tawag na Yellow. Si Yellow ang lalaking iniwan niya da...