YELLOW 6

26 2 13
                                    

It's weekends, I'm waiting for Francine to pick me up. We're going to watch No Second Chances' gig tonight around Taft, ito yung sinabi ni Avery last time na nakasama namin sila ni Yellow sa mall. Hinihintay ko siya tumawag habang nakaupo ako sa kama ko, tinitingnan ko yung mga polaroid pictures namin dati ni Yellow.


We look so young back then, kapag inihambing mo si Yellow noon at ngayon, dati sobrang maamo ng mukha niya, and he's a jolly person. Mas active siya kaysa kay Green tsaka mas maingay. Ngayon naman, ang laki ng pinagbago niya---o baka sa akin lang kasi hindi na siya nag-iingay at halos hindi na nga ako kausapin. Tipid na tipid kung magsalita. 


Hindi ko maiwasang matawa nang makita ko yung picture namin na kinuha pa noong third year high school ako tapos siya naman ay fourth year. We're both laughing kasi naalala ko na nagrereklamo si Green na bakit siya raw lagi ang nagpi-picture sa amin. Marami pa kaming pictures, mahilig kasi kaming dalawa magpakuha. 


We both didn't know na that was our last year na pala before we broke up. Mula sa eroplano hanggang makalapag kami sa Spain, hanggang sa matapos ang unang tatlong buwan ko sa ibang bansa, walang gabi na hindi ako umiyak. I'm silently crying again, gustong-gusto ko na mayakap ulit si Yellow. I'm literally craving for his presence. 


I wiped my tears when the doorbell rang, mabilis kong itinago ang mga pictures bago ayusin ang sarili para tumayo. Suminghap muna ako at nagpakawala ng buntong hininga bago hawakan ang doorknob. 


"Shine!" masayang-masaya na sabi ni Francine, obviously excited. Natigilan pa ako nang makita kung sino ang nasa tabi niya. 


"Calum," pagpapakilala nito. 


"S-sunshine," sabi ko at tiningnan si Francine na nasa tabi niya at hindi maitago ang malaking ngisi. 


"Sasabay tayo sa kanila," sabi niya kaya agad na dumaan sa isipan ko si Yellow. Tumango na lang ako bago pa man mauna na sa kanila papuntang elevator. Nakikita ko sa glass na naglalandian na silang dalawa. Ang bilis naman, parang noong nakaraang gabi lang ay nagpapareto siya kila Avery. Kung hindi ko sila kakilalang dalawa, iisipin ko na matagal na silang magkarelasyon.


Naririnig ko pa ang malanding hagikhik ni Francine noong palabas na kami sa elevator dahil may binubulong sa kanya si Calum. Sila na pinauna ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasakyan namin. Nakapulupot na ang braso ni Calum sa bewang ni Francine, nakita ko naman agad ang ibang kabanda nila na nasa loob ng Toyota Hiace van na nakabukas ang pinto. 


"Hi!" maganang bati ng bassist nila. 


I smiled. "Hi, I'm Sunshine." pagpapakilala ko. 


"Jairus," pakilala niya at nakipagkamay pa. "Nice to finally meet you,"


"W-what?---"


"I'm Hendrick," singit naman ng lead guitarist nila. 


"Hi, Shine!" malakas na bati ni Avery sa loob at pinagpapalo niya ang mga lalaki sa harap niya. "Padaanin niyo si Shine!" 

Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon