YELLOW 17

23 2 2
                                    

"Good job, team!" nakangiting sabi ni Joseph habang nagtatanggal ng apron na suot. I smiled at them and thanked them for helping me earlier with my presentation. 


"Amarillo," he called.


"Yes?" I asked while I stopped fixing my things. Inaayos ko kasi ang mga nagamit ko para uuwi na lang ako mamaya pagkatapos ng presentation namin for this day. 


"You did well," he complimented. 


"Thank you," I smiled. "You did well too," 


"Thanks," tumango lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos. Ibibigay na lang niya mamaya sa amin ang evaluation of performance namin mamaya. Kailangan niya muna papirmahan iyon sa ibang teachers ng Culinary Arts department to prove na nakatapos na kami at walang kulang na performance sa major subject. 


Marami akong ginawa kanina at sinadya ko talaga iyon tapos ay nagtabi ako ng tatlong tupperwares na puro devilled eggs ang laman, ibibigay ko yon kila Francine mamaya. I woke up just fine earlier, parang ang gaan lang ng pakiramdam ko which is a good thing. Wala pa akong napagsasabihan ng nangyari, hindi ko rin alam kung nagsabi ba sa iba si Yellow o hindi. I just need to focus on my studies right now dahil iyon naman talaga ang dapat kong gawin. 


"Bar mamaya," pagyayaya ni Maika nang mapansin kong kumpleto pala kami rito sa labas. 


"I'm in!" sabay-sabay na sagot nila. 


"Ikaw, Sunshine?"


"Uhm, I don't know. I just drank last night..." sagot ko, kaiinom ko lang kaya ayoko na munang uminom ulit. It's bad for my body kahit alam ko naman na cancel ang schedules namin for this week. 


"Alright pero kung magbago isip mo, chat ka lang ha?" sabi ni Maika kaya tumango ako. My classmates are good, hindi ako nakaramdam ng negative vibes sa kanila. They are cool at hindi sila nagsasapawan, they're always helping each other.


"Shine!" napalingon ako sa tumawag sa akin. It's Rupert.


"Hey!" I waved my hand as he walk towards me. 


"How are you?" tanong niya kaagad at kinuha ang mga gamit na bibitbitin ko dapat. 


"I'm fine, katatapos lang ng presentation namin," sagot ko at nagsimula nang maglakad. "Ikaw ba?"


"Bukas pa sa amin. Anyway, hindi ka online kahapon?" sabi niya. 


"Uh yeah, lowbatt phone ko and I managed not to charge it. You know, own peace..." sabi ko na agad naman niyang nakuha. 


"That's nice!" nakangiting sabi niya. "Alam mo kung sinong nag-uwi sayo?"


Natigilan ako saglit pero tumango rin bilang sagot. "Y-yes... si Yellow,"

Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon