It's been a month since Yellow and I talked about his marriage proposal. I told him that I will surely marry him however we are aware with the things we need to consider, he said that it was okay and there's no pressure. Pagkatapos mangyari no'n, ipinaalam agad namin sa mga kaibigan namin at si Yellow naman na ang bahala magsabi sa mga kapatid niya.
"Congratulations, " napangiti na lang ako sa sinabi ni Green na nasa tabi ko habang may binabasang libro. Hinihintay ko kasi si Yellow dahil may meeting about sa isang subject nila kaya naman si Green ang kasama ko rito at tila may hinihintay din.
"Thank you," sabi ko pabalik nang may malawak na ngiti sa labi. Itinabi niya muna ang librong binabasa bago ayusin ang salamin niya at tumingin sa akin.
"I always thought that both of you gonna end up together even you were separated with each other," sabi niya kaya naman nakatingin lang ako sa kanya at handang makinig sa mga sasabihin niya.
"How would you know?"
"Because Viel is my twin and you're my best friend," sagot niya at mahinang tumawa kaya naman natawa na lang din ako nang bahagya. He's still the Green I've met ever since we were kids, he's a nice guy at makikita mo talaga na mabuti siyang tao kahit na tahimikk at minsan ay tipid magsalita.
"I'm still glad that he listened to me," sabi ko at inalis ang tingin kay Green tapos napabaling sa building na pinasukan ni Yellow kanina. To be honest noong nagbabalak pa lang naman talaga akong umuwi ng Pinas, sinusubukan ko pa rin ihanda ang sarili ko na baka wala na talaga o kaya naman ay huwag nang umasa na may babalikan pa ako. Maybe it's my love for Yellow that pushed me really hard because deep inside, I know na siya pa rin yung lalaki na minahal ko mula umpisa.
"Sa aming lahat, ikaw ang mas nakakakilala sa kambal ko. If you believe that he will listen, he will definitely do that," sabi ni Green at napailing na lang na nakita ko naman sa peripheral vision ko. "I am glad to see my brothers happy with their partners,"
Napatingin ako sa kanya. "Ikaw ba?"
He just shrugged and let out a small chuckle. "I'm moving on, Shine"
I am not that updated with his lovelife pero ang alam ko, yung babae na nakita ko before sa cafeteria na sumampal sa kanya, iyon ang girfriend niya. Hindi rin namin nakakasama si Green dahil nga sila ang laging magkasama ng partner niya which is wala namang kaso sa amin, hindi ko nga lang nakilala nang maayos ang babae.
"Goodluck with that," sabi ko na tinanguan niya. "Eh sino yung kasabay mo last time?"
Napatingin siya at natawa kaya pinagsingkitan ko siya ng mata. "What?" natatawa niyang tanong kaya inabot ko siya at mahinang tinampal.
"Sino yon ha?" mapang-akusa kong tanong.
"S-she's a friend,"
"Nauutal pa nga," sabi ko at tinawanan siya. I know Green when he's not telling the truth.
"She really is, Shine," natatawa niyang sabi sa akin at iniiwasan ang mga mahihina kong hampas sa kanya.
We saw him last time, I'm with Yellow kasi tapos habang nasa kotse nakita namin si Green na may kasabay na babae at inaalalayan niya pa maglakad. I saw the girl and she's kinda familiar, nakikita ko yon minsan sa building namin and my other classmates are buying foods from her. Nakatikim ako isang beses at sobrang sarap ng luto niya. I can see that she's a nice woman and she looks harmless dahil sa sobrang amo ng mukha niya. Tatawagin nga namin sana silang dalawa kaso pinigilan ako ni Yellow at sinabihan na hayaan na lang kaya wala akong nagawa kundi ang sundan sila ng tingin mula sa side mirror hanggang sa makalampas.
"What's her name?" I asked matapos ko siyang paghahampasin.
"Em,"
"Em?"

BINABASA MO ANG
Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)
RomanceMatapos ng dalawang taon, bumalik sa Pilipinas si Sunshine. Maliban sa transferee siya, nalaman niya rin na nasa iisang lugar lang pala sila ng ex-boyfriend niyang si Viel Louise o mas kilala sa tawag na Yellow. Si Yellow ang lalaking iniwan niya da...