YELLOW 15

23 3 11
                                    

I cannot focus on my next subjects because of thinking Yellow being with Irish. What's with him? he just said last night that they are not flings and suddenly he said 'I don't know', this guy can really be undecisive. I can't understand him anymore. 


"Amarillo, are you okay?" Joseph asked. 


I nod. "Y-yeah, thank you for asking,"


"You're spacing out," he said, I shook my head because of the embarrassment.


"I'm so sorry," I genuinely said. We're having a group work now and I can't focus and keep on spacing out. We will start cooking by next week so we are preparing our roles and functions in the group.


"Don't forget to have your complete PPE," he reminded, I need to get some sticky note and a pen to write it down for me not to forget what I'm going to bring. 


"We need to finalized our budget para hindi tayo kulangin," someone in my group suggested.


"Oo, mamaya magcha-chat ako sa group chat natin ng mga kailangan pang ayusin. Plano ko nga na magkita-kita tayo sa Sabado para mas mapag-usapan natin nang maayos," sabi naman ni Maika. Sabado?


"Sabado?" napatingin sila sa tanong ko.


"Yes, why?" tanong ni Maika.


"W-wala naman," mahinang sagot ko. Hindi naman siguro kami buong araw mag-uusap diba? kailangan ko pumunta sa birthday celebration nila at ayoko rin naman na i-ditch 'to para sa isang birthday party. This is a major subject. 


Lumipas ang ilang araw nang linggo hanggang sa umabot kami sa araw ng Sabado, mabuti kong tiningnan ang mga gamit na dadalhin ko para sa gagawin naming presentation, nag-update na rin ako sa kanila na malapit na ako. Tanghali pa naman kaya may oras pa na makapunta sa birthday nila Green at Yellow. Napag-isipan ko rin na sa mall na lang ako titingin ng mga pwede kong ibigay bilang regalo. 


"Hi!" bati ko sa kanila na nakatayo sa harap ng cafe na pagkikitaan. Nagsi-sigarilyo kasi ang iba naming ka-grupo habang ang iba naman ay naka-order na ng kape. Sa labas sila naka-puwesto para pwede pa rin sila makapag-yosi kung kailan nila gusto. 


"Sino pang kulang?" tanong ni Joseph. Inilagay ko ang bag ko sa may hita ko pagkaupo at kinuha ang phone, kanina pa kasi nagtatanong si Green kung makakapunta raw ba ako. Ipinaalam ko naman na may group meeting nga kami at bibili ng kakailanganin, sinabi ko rin naman na hahabol na lang ako. 


"Si Paul na lang," sagot ni Maika na sa tingin ko ay may hawak ng attendance namin. Siya kasi ang taga-record ng ambag namin bawat isa sa grupo, kung tumutulong ba o hindi. 


Hindi naman katagalan ay nakarating na si Paul, na-traffic daw kasi siya. Nakinig naman akong mabuti nang ibigay na ang mga parte namin, naka-assign ako sa appetizer kaya naman nagsabi na ako agad na devilled eggs ang gagawin ko. 


"Tara na?" tumayo ako at sumunod na nang papasok na kami sa loob ng mall. Habang nagla-lakad ay tina-type ko ang kailangan kong ingredients gaya ng utos sa amin kanina ni Joseph para hindi magkagulo kapag magkukuhaan na. 

Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon