I'm just sitting quietly while waiting for Yellow to speak. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto niya at maya't maya ko rin namang tinitingnan ang mga pictures ko na hindi man lang niya inalis. Ito pa rin yung mga litrato na narito sa kanya dalawang taon na makalipas at nadagdagan na lang iyon ng mga bago. Gustong-gusto ko rin sana itanong kung bakit may mga photocards ako sa vanity mirror niya, ibig sabihin ba noon ay bumibili siya ng albums ko? ayoko naman magsalita dahil baka masira ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
"How are you?" agad akong napatingin nang magsalita na siya.
"F-fine---"
"After we talked?" agad na dugtong niya.
Bumagsak ang balikat ko at huminga muna nang malalim. "I felt good since nasabi ko na iyong dahilan kung bakit ako umalis. I'm hoping na maintindihan mo na, I know it's been two years bago ko nasabi sayo---"
"Kasalanan ko rin naman na hindi muna ako nakinig," sabi niya na ikinatigil ko. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pamumula ng ilong niya at mga mata na agad din naman nagtubig.
"Yellow..." sinubukan ko siyang tawagin pero nakayuko lang siyang nakaupo sa may bean bag na kaharap ng kamang inuupuan ko.
"Kwentuhan mo ako..." halos pabulong na sabi niya. "Anong nangyari sa dalawang taon mo na hindi mo ako kasama..."
Mabilis akong napakurap-kurap nang naramdaman ko ang pamamasa ng magkabilaang sulok ng mga mata ko. Nag-flashback sa akin lahat ng nangyari sa dalawang taon na nasa Spain ako, hindi ako masaya.
Hindi ako sumaya.
"I'm crying when we left. Hindi ako tumigil kaiiyak mula sa airport hanggang makarating sa bahay namin, hinahayaan lang ako ni Mommy kasi akala niya na dahil lang sa mga friends na maiiwan ko rito pero hindi niya alam na dahil sa atin yon..." agad akong lumunok nang namuong laway sa lalamunan ko dahil nga naririnig ko na ang malapit na pagkabasag ng boses ko.
"I'm so sad and hurt because of what happened. I-i just knew that Mom is sick and I broke up with you... we broke up. S-sobrang sakit sa akin, iniisip ko na lang na masasanay ako pero hindi ako nasanay. You're always on my mind, everytime I wake up, everytime I eat, everytime I listen to music, everytime I go to sleep. Parang hindi na ako napagod sa kaiiyak, I don't know how to reach you because I know you're mad at me. Alam ko na wala kang oras makinig sa lahat ng paliwanag ko kasi nga masakit na umalis ako--- na iniwan kita," iniwasan ko kaagad siya ng tingin nang may mabilis na luhang tumulo mula sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay parang pinipiga ang puso ko dahil nahihirapan akong huminga.
Tahimik pa rin siya kaya nagpatuloy ako. "I didn't forget you. I never did, sa loob ng dalawang taon wala akong gusto kundi ang makita ka. Siguro isang araw, naisip ko rin yung posibilidad na wala na akong babalikan..."
Pinahid ko na naman ang luha ko at tahimik na tumikhim. "Instead of hurting myself more, unti-unti kong tinanggap na baka hindi nga talaga tayo kasi diba kung tayo, tayo naman talaga. I met Esteban while he's scouting on the school I attended for my senior high school, he offered me his agency if I'm interested in modelling. Pinayagan naman ako ni Mommy, noong una puro maliliit na brands gaya ng clothings and cosmetics. I got a positive feedback kaya sinubukan ko rin sa iba pang brands and I even do some advertisements hanggang sa nakakapag-produce ako ng sariling album at nakakasama na ako sa mga pages ng magazines,"
BINABASA MO ANG
Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)
RomanceMatapos ng dalawang taon, bumalik sa Pilipinas si Sunshine. Maliban sa transferee siya, nalaman niya rin na nasa iisang lugar lang pala sila ng ex-boyfriend niyang si Viel Louise o mas kilala sa tawag na Yellow. Si Yellow ang lalaking iniwan niya da...