YELLOW 20

18 2 6
                                    

"Shine, tara na!" agad na akong sumunod nang makita ko na si Francine sa pinto ng classroom namin. Nakipagvideo call pa kasi siya saglit kay Calum para itanong kung anong oras magsisimula ang event. 


Today is Fosteir College's Foundation Day, this is the day where we can enjoy without thinking about our lectures and hell week since katatapos lang ng finals para sa buong semester. Yellow and I didn't talk that much last week kasi nga pareho kaming busy mag-review pero isang beses ay doon siya natulog sa condo ko para raw makabawi siya sa ilang araw na hindi kami nagkita. 


"Where are they?" tanong ko. May battle of the bands kasi kaya naman inaasahan din ng lahat na tutugtog sila kaya papunta na rin kami ni Francine sa field kasi roon daw ang venue. 


"Nasa field na," sagot niya. Nagsabi rin kasi kanina si Yellow sa akin na kakain muna sila bago maghanda ng gagamitin nila for performance kaya akala ko ay wala pa sila roon. 


"Ngayon na lang ulit ako makakanood," sabi niya sa tabi ko habang naglalakad kami. 


"Me too," sagot ko pabalik. Ilang beses na rin kasi kaming hindi nakapunta sa mga gigs nila dahil natataon na hectic ang schedule, minsan hindi na rin nakakaabot pa dala na rin ng pagod mula sa activities. Sinabihan ko na nga rin si Yellow na huwag niyang papagurin masyado ang sarili niya lalo na at puro puyat ang inaabot niya sa gigs tapos may klase pa kinabukasan.


"I saw Irish last time," bumagal nang kaunti ang lakad ko pagkarinig ko sa sinabi ni Francine. 


"When?" 


"Galing sa men's restroom tapos I'm so shocked kasi I saw Rupert too!" nanlaki rin ang mata ko dahil sa narinig, are they hooking up?


"T-that's... nice?" I sounded hesitant since I don't really know what to react. I don't have anything to say because it's their body and they're both adults to engage in a consensual activity, nagulat lang talaga ako kasi ang alam ko talaga ay si Yellow ang gusto ni Irish. Baka nagbago na isip niya?


"Happy for those people na masagana ang sex life," sabi niya at natawa nang bahagya. "Kayo ni Viel?"


"Uy!" agad kong saway at hindi napigilan na mahampas siya sa braso. 


Mas lumakas ang tawa niya. "Why? don't tell me hindi pa kayo ulit nag---"


"Francine!"


"What?!" natatawa pa rin niyang sabi. "Samantalang dati, sagana sex---"


"Francine!" saway ko ulit but this time, mahina ko nang hinatak ang buhok niya pero tinawanan niya lang talaga ako. This girl!


"I'm so happy for the both of you, natapos na rin ang ilang taon mong pag-iyak," sabi niya at ngumiti nang pagkalaki-laki kaya hindi ko na rin napigilan ang mamula dahil doon. 


"Sobrang saya ko rin," sabi ko at agad na nalipat ang tingin sa bandang unahan. Hindi pa man nagsisimula ang BOTB pero medyo marami nang taong naghihintay, naroon na rin ang ibang banda na contestant sa event. Maraming may hawak na gitara at iba pang instrumento, may ibang nagpa-practice, may iba naman na busy sa pakikinig ng kung anuman ang tugtog sa earphones nila. 

Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon