YELLOW 8

31 2 10
                                    

I tried not to look a Yellow while we're on our way home. They all look tired and sleepy because they also drunk, napatingin na lang ako kay Francine dahil kinalabit niya ako at nag-abot siya sa akin ng sandwich na tinanggihan ko. I'm not hungry at all, I'm more fed up by my thoughts about what Yellow said. 


"Sir, kaya niyo pa ba?" tanong ng driver dahil bumagsak ang ulo ni Jairus sa unahan tapos si Hendrick naman ay dumausdos sa upuan ni Jairus kaya siya na ngayon ang nakahiga. Calum is sleeping with Francine's shoulder, ang halay nga kasi nakapasok ang kamay nito sa suot na pang-itaas ng kaibigan ko. Yellow is probably asleep too kasi tahimmik siya sa unahan at nakahalumbaba lang. 


"Malayo pa po ba tayo?" tanong ko sa driver. 


"Yes, Ma'am..." sagot nito. 


"Shine, what if doon muna sila sa condo mo," Francine suggested that's why I looked at her. 


"What?" 


"Para makapagpahinga na rin si Kuya..." sabi niya, napatingin din ako sa driver na halatang inaantok na rin. "Isang gabi lang naman eh," 


Napatingin muna ako sa pwesto ni Yellow bago magbuntong-hininga. One night will be fine lang naman siguro lalo na at wasted na silang lahat tapos nakakaabala pa sa driver. Tama, isang gabi lang. 


"Uh...Kuya," pagkuha ko sa atensyon ng driver. 


"Yes, Ma'am?" 


Natanaw ko na ang building ng condominium na tinitirahan ko. "Sa Verview na lang kaming lahat para hindi ka na mapalayo pa,"


"Sige po, Ma'am! pasensiya na po at kailangan pa ako ng anak ko sa bahay eh," sabi nito, sinuklian ko na lang siya ng ngiti. Nakapasok na kami sa parking lot ng condo, ako na ang unang bumaba. 


"Paano po natin sila dadalhin?" tanong ng driver. Nakita ko si Francine na ginigising si Calum, matagal ito bago magising. 


"Yo, where are we?" lasing na tanong ni Calum at halos gumewang pagbaba ng van. 


"Uh we're at my place, dito na lang muna kayo mag-stay para makapagpahinga kayong lahat," sabi ko, lumapit naman si Calum sa front seat at kinatok si Yellow na agad naman nagising.  


"Why are we here?" he asked while rubbing his eyes, maybe he's not drunk at all. 


"Shine offered us na rito muna tayo which is good, look at these two fuckers..." nakapamewang na sabi ni Calum habang nakatingin sa dalawang lalaki sa loob. 


"Fine," agad na sagot ni Yellow. Pagod na rin kasi siguro kaya hindi na siya tumanggi. 


Kumuha ako ng cash sa wallet ko at inabot sa driver bilang pa-konsuwelo na rin sa abala na nagawa namin, matapos nitong magpasalamat ay tinulungan niya rin kami na kunin ang mga instruments nila Yellow habang yung dalawa ay tig-isa kay Jairus at Hendrick. Kinuha ko ang gitara ni Hendrick at sa kabila naman ang gitara ni Yellow, kay Francine naman ang bass guitar ni Jairus at ibang stand ng drumset. Si Kuyang driver naman ang may bitbit ng cymbals na paniguradong mabigat. 

Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon