YELLOW 7

24 3 11
                                    

It's No Second Chances' turn to perform, katatawag lang sa kanila ng host kaya naman nasa unahan na sila at nag-aayos ng mga gamit. Francine is now cheering for Calum kahit na hindi pa naman nagsasalita habang ako ay nakatayo lang sa tabi niya habang iniisip ang sinabi ni Yellow sa akin kanina. 


Closure. He just said it, he needs closure. Does it mean na hindi pa rin siya nakaka-move on sa akin? I know we're not in good terms when we broke up dahil nga sa hindi kami nagkaintindihan hanggang sa makaalis ako. I want to talk to him kaso hindi ko alam kung paano siya kauusapin. 


"Good evening, we are No Second Chances..." panimula ni Hendrick dahil busy si Yellow mag-ayos ng mic. Napuno naman ng tilian at palakpakan ang buong bar, halatang hinihintay talaga ang performance nila. 


"I love you, Calum!" tilian ng ibang mga babae kaya nakita kong tumatawa si Calum habang umiinom ng beer habang nasa isang kamay ang dalawang drumsticks.


"He's mine, back-off!" sigaw ni Francine kaya natawa rin ako. Nakita ko na kinindatan naman ni Calum ang kaibigan ko kaya nag-'aww' ang ibang babae. 


"Kayo na ba?" bulong ko kay Francine pero umiling lang ito habang hindi nakatingin sa akin. 


"We're just flings," maikling sagot ni Francine, narinig ko naman ang familiar na tunog.Ito yung ginagamit nila Yellow at yung dati niyang kabanda na pang-tono bago magsimula yung performance nila.


"You ready guys?" tanong ni Hendrick, agad naman sumagot ang mga nanonood. Kanya-kanya silang kuha ng beer at tinungga iyon, hindi na bago 'to sa eksena kasi yan na yung 'booster' nila.


"Viel is so good when perfoming, hugot na hugot eh," napatingin ako nang sumulpot si Ray sa gilid ko. 


"He is," pagsang-ayon ko sa sinabi niya. 


"I remember when our band is a newbie here, na-intimidate kami sa banda ni Viel. They are so good, parang kaya nilang sumalang kahit na hindi praktisado. Look at their fangirls, they got the right band to stan," mahabang sabi niya, hindi ko maiwasan ang mapangiti kasi totoo yon. Kahit noong nagsisimula pa lang si Yellow sa pagtugtog niya sa school dati, nakahakot agad sila ng fangirls kahit pa sabihing hindi naman seryosohan yung banda nila dati. 


"Every band is worth stanning for naman," I said. Every musician is worth it, dapat sinusuportahan natin yung mga tao sa eksena kasi sila yung may passion sa ginagawa nila. Many of these bands performing not for the sake of fame, they are performing because they love music and it is their talent. 


Natigil ang usapan namin ni Ray nang magsimula na sila Yellow. 


You got a pretty face, I got this broken heart
Two started lovers, we were destined to be torn apart
You said you needed space, I got a couple scars
Guess you're the reason for the tears, I left then where you are


Pumasok na naman sa isip ko yung huling oras na magkasama kami. I said that I needed space kasi alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi ako papayagan ni Yellow umalis. Lahat na ng rason ibinigay ko na pero hindi niya yon binili, hindi pa rin siya pumayag na maghiwalay kami. 

Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon