YELLOW 4

24 2 5
                                    

It's been weeks since the event ended, we haven't talked yet. It feels like he's avoiding me because I can't see any traces of him inside the campus. I saw his bandmates earlier, siya lang ang wala habang kumakain sila sa cafeteria. I want to ask about him but I also thought that I might be creepy. Imagine, they don't know me then I'll just show myself out of nowhere---I mean, it may be normal for a fangirl but I am not just Yellow's fangirl, I'm his ex!


I tried following his social media accounts since we lost connection ever since I left until now. All I see is his fangirls' accounts, fanpage ng No Second Chances etc... At the same time, I'm proud. I didn't expect that his career will grow this fast. Imagine, in just two years he was able to perform in different places. They have lots of bookings para sa gigs, may mga malalaking produtions ang nagi-invite sa kanila. 


By attending their gigs, I wanted him to see that I'm supporting his passion---na nandito ako. I'm there watching him, kahit ako na lang matira mag-isa, malakas pa rin na palakpak ang ibibigay ko. Naiisip ko naman na noong nasa Spain ako na malaki yung chance na hindi na kami magkabalikan pero hindi naman siguro masama kung subukan ko. 


"Hola!" medyo nagulat ako sa maingay na umupo sa upuan na nasa harap ko. There goes Francine and her spanish phrases, feel ko mas mage-enjoy siya kung siya yung nasa Spain noon. 


"Bakit ka late?" nagtatakang tanong ko, wala siya sa first sub namin kanina. I texted her pero hindi naman nag-reply.


"You know..." pilyang pagkakasabi niya kaya automatic akong napairap. 


"Gosh, Francine!" I exclaimed. I know her well, if she gave me that answer, for sure nakipag-hook up yan. 


"You're so OA!" mataray na sabi niya at binato pa ako ng tissue. "Get laid din kasi!"


"Ew!" agad na react ko. 


"Hoy, nauna ka pang na-pop kaysa sa akin 'no!" sabi niya at mapang-asar na tumawa kaya naman napa-facepalm ako. 


"Walang ungkatan ng past please," I said as I raised my right hand. 


"Sus! pero binabalikan mo past mo ngayon!" hindi pa rin talaga siya tumitigil. "Si Yellow oh!"


Agad akong luminga-linga sa paligid but I don't see any traces of Yellow. "Francine!"


She laughed. "Just kidding!" she said while doing peace pose. Ugh! this girl.


"Let's go to the mall ha?" sabi niya, naghihintay na lang kasi talaga kami ng dismissal which is five minutes na lang.


"Alright," sagot ko, inayos ko na ang mga gamit ko para aalis na lang kami mamaya. Magkalayo kasi kami ng upuan kaya hindi kami nakapag-usap kanina, ngayon lang na malapit na mag-dismissal. 


"I miss shopping with you," she said dramatically kaya medyo natawa ako. Hobby kasi talaga namin ang mag-shopping kahit dati pa kung sakaling I'm not with Yellow.

Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon