"Alright, bye!" I said before putting down my phone. Esteban called me that I have some photoshoots for next week para sa isang clothing brand na magsisimula pa lang.
"Sunny,"
"Hey!" napatingin agad ako kay Yellow na kalalabas lang ng building nila.
"You alone?" he asked.
"Yeah, you?" sagot ko sa kanya.
"Sabay ka na sa'kin," sabi niya.
"Okay lang?" tanong ko.
"Yup!" sabi niya, sumunod na ako sa kanya at sinubukang kuhain ang maliit na ampli niyang dala pero iniwas niya.
"Huwag na, it's heavy," he said at walang hirap na nagpatuloy sa paglalakad. Meyo nauuna siya dahi binabagalan ko ang lakad ko kasi ng nagre-reply ako sa ibang nagme-message sa akin about offering me to be their brand ambassador.
"Tumingin ka sa nilalakaran mo," napaangat ako ng tingin nang magsalita si Yellow, naroon na pala siya sa kotse niya at kasasara lang ng compartment dahil nga nilagay niya roon ang ampli at gitara niya.
"Sorry," sabi ko at itinago na ang phone ko. Nakatayo siya habang hawak ang bukas pinto ng front seat, nakitako pang inilagay niya ang palad niya sa may bandang ulo ko para hindi ako mauntog kung sakali. Ngumiti muna siya sa akin bago siya umikot papasok sa driver's seat, hindi ko maiwasan ang saglit na pagpikit dahil nababalot ng pabango niya ang buong sasakyan.
"Sa bahay ka na mag-dinner," sabi niya habang minama-maniobra niya ang sasakyan niya.
"What?"
"Mom wants to see you," sabi niya.
"Okay," sagot ko at nag-isip ng pwedeng bilhin para dalhin ko mamaya papunta sa kanila. Nakakahiya naman kung makikikain lang ako ng hapunan.
Tahimik lang kami hanggang makalabas ang kotse sa school. Gusto ko sanang mag-sorry sa nagawa ko kaninang pagpunas sa mukha niya. I swear, I didn't mean to do that! nabigla lang din ako. Ito rin yung unang magkasama kami after our closure--- at kaming dalawa lang.
"Are we good?" napatingin ako agad sa kanya nang magtanong siya bigla. Tumingin din siya sa akin saglit bago ibalik ang tingin sa daan.
"Yes, we are. Why?" I asked.
"It's so quiet,"
"I don't know what to say," I said, he just nodded and smiled a bit.
I admit, noong sinabi niya sa akin na kailangan niya ng closure, the first thing I thought is he wants to get rid off me permanently--- and I was wrong for thinking that way. Personally, naramdaman ko na umusad ako kahit papaano. Yung dahilan kung bakit ako umalis, nasabi ko na which is iyon naman din talaga ang dahilan kung bakit ako bumalik. Mukha namang okay kami ngayon, we're civil to each other.

BINABASA MO ANG
Rainbow Series 3: YELLOW (ON-GOING)
RomanceMatapos ng dalawang taon, bumalik sa Pilipinas si Sunshine. Maliban sa transferee siya, nalaman niya rin na nasa iisang lugar lang pala sila ng ex-boyfriend niyang si Viel Louise o mas kilala sa tawag na Yellow. Si Yellow ang lalaking iniwan niya da...