×××
Palagi kong naririnig ang pagtawag mo sa pangalan ko, pati ngayon, pati sa oras na ito. Ang pagkakaiba nga lang ay bumabagal ang oras dito, isang minuto ang kailangan bago gumalaw ang kamay ng segundo. Nasisilayan na ang pagtakbo mo'y humihinto, ito'y tumitigil at para bang naging isa kang bato. Sinigaw mo ang pangalan ko at nakaramdam ako ng kakaiba sa'king puso, tuwing sinasalubong mo ako noon may ngiti sa'yong mukha ngunit ngayon ito'y tinatabunan na ng 'yong mga luha.
'Bakit ka umiiyak?' pabulong na tanong, habang ang katawan sa langit ay lumulosong. Isang ngiti sa'yong mukha ay umusbong."Alam mo bang masaya pa ako bago ka dumating sa puso ko, pero mas sumaya ako nung dumating ka rito."
"Magaling ka talaga diyan sa mga ganiyang bagay, ano"
"Malamang sa'yo ko natutunan 'to"
akala'y magtatagal lang ito sa ganito, sa maayos na pwesto, sa mas nakakapresko pero nagkamali ako... bawat araw, away. Bawat minuto'y sigawan. "tangina mong" mga salitaan.
"Ayaw ko"
"Anong sabi mo? 'Ayaw mo'? Aba'y tangina mo, gago! kapag gusto ko, gusto ko at dapat gawin mo. Tangina mo! Alam mo bang naiinis na ako sa pagmumukha mo, tangina mo!" Gamit ang matigas na bato, ang paningin ay lumabo... nang magising ang ulo'y dumudugo, sa langit ako'y nakatayo- hindi... ako'y humahayo. Nawawalan na ng hininga, napapatanong na lang sa isipan kung "Ako'y mawawala na kaya?"
BINABASA MO ANG
"Ewan, Masyadong Magulo"
Poetry"kumusta? anong nararamdaman mo? anong nararamdaman mo sa mundo? "ewan, masyadong magulo"