No.4 | "Bilisan mo, Mananaginip pa Tayo"

14 3 0
                                    

"Bilisan mo, mananaginip pa tayo"-
"Naalala mo ba na sa panaginip tayo'y nagtagpo?"
"Oo, ayon ang una nating pagkikita paano ko naman 'yon maiindulto"
"Gano'n ba, pero minsan ba naiisip mo na gusto mo ulit 'yong maulit? Na para bang hinahangad ulit 'yon ng 'yong puso?"
"Siguro."
Ang dalawa'y mukhang handa na. Pinagtitinginan sila ng matarik na lupa, nagugulahan sa kanilang dalawa.
"Sabay?"
"Bilisan mo, mananaginip pa tayo... doon muli tayong magtagtagpo, gagawa tayo do'n ng sariling mundo"
-×-
-"Naalala mo ba na sa panaginip tayo'y nagtagpo?"
-"Oo, ayon ang una nating pagkikita paano ko naman 'yon maiindulto"
-"Gano'n ba, pero minsan ba naisip mo na gusto mo ulit 'yong maulit? na para bang hinahangad ulit 'yon ng 'yong puso?"
-"Siguro."
-Ang dalawa'y mukhang handa na, ang puso'y tumitibok na ng malala. pinagtitinginan sila ng matarik na lupa, nagugulahan na naman sa kanilang dalawa.
-"Sabay?"
-"Bilisan mo, mananaginip pa tayo... doon muli tayong magtagtagpo, doon tayo'y gagawa ng sariling mundo"
"Dalawang wala na sa mundo, na hindi makalimot sa unang pagtatagpo"
'Mananaginip pa tayo'- sa katunayan, sa panaginip lang sila nagtatagpo... Malamang hindi sa kanilang mga panaginip. Nakatira lang ang dalawa sa panaginip ng kung sino. Naninirahan lang sila rito at kapag ang dalawa'y nagtagpo. Ang pangyayari'y uulit sa numero uno. Mag-uumpisa sa "naalala mo ba na sa panaginip tayo'y nagtagpo?" at magtatapos sa "bilisan mo, mananaginip pa tayo... doon muli tayong magtagtagpo, doon tayo'y gagawa ng sariling mundo"
'Ang unang pagtatagpo, at umpisa ng sumpang nakaukit na sa kanilang mga puso'
"Bilisan mo, mananaginip pa tayo"
-dulo-

"Ewan, Masyadong Magulo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon