"Mahirap magmahal, anak–"
Sinubukan ko naman, sa umpisa akala ko'y magaan. Akala ko'y mayroon na akong masasandalan, 'yong 'di pansamantala, 'yong pangmatagalan. Akala ko masaya lang, pero ba't gano'n... habang tumatagal, nawawalan? May isang piyesang nagkukulang, kasabay ng mga minuto at segundong nag-uunahan sumasama ang 'yong mga pangakong pinakawalan...
"Ito'y komplikado... at mahirap intindihin ang malalim na kahulugan ng pagmamahalan. Mahirap saluhin ang sugatang puso. Nakatatakot magsugal, nakakatakot maghilom ng sariling sugat. Pagtitiwala, pagkakaisa, pagtatama ng mga mali, sa hirap at sa ginhawa, sigurado mo bang nandiyan siya? Siguro? Mahirap magtiwala.. 'di natin alam baka ang puso mo naman ang mawala. Kaya't tahan na, ha?
At sa susunod, anak
h'wag tanga..."
BINABASA MO ANG
"Ewan, Masyadong Magulo"
Poetry"kumusta? anong nararamdaman mo? anong nararamdaman mo sa mundo? "ewan, masyadong magulo"