No.8 | BNNSAAU <3

7 3 0
                                    

Bulaklak na nagtatago sa araw at ulan—
  
   Na saan ang kumpiyansa? Ang pagganyak ba'y lalapit na lang ng kusa?
   Sa sarili'y walang katiwa-tiwala. Nangangamba sa mga bagay na baka mawala.
   "Hindi ko kaya,
   alam kong ako'y mahina pa..."
   Nasasakal at nasasaktan, nasusugatan kasi'y walang kakayanan. Nahihirapan dulot ng mga responsibilidad na dapat gampanan. Ang pumasok na lamang sa isipan ay gayahin ang bulaklak na nagtatago sa araw at ulan... na natatakot sa paglaki at pagtubo sa sisidlan.
   –Sa paglipas ng kapanahunan, tumubo ang bulaklak na nagtatago sa araw at ulan. Ito'y dahil sa luhang lumilitaw ng matimtiman at ang nagsilbing araw naman ay ngiti niyang tinatago sa kaloob-looban–

&quot;Ewan, Masyadong Magulo&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon