Yakap yakap ang sarili sa mundong akala'y madali.
Sa pagpili, hindi na alam kung tama ba o mali.
Ang sarili'y nawawasak nang unti-unti, dahan-dahang natatanggal ang mga tali.
Ako'y lumiit— at lumaking muli.
Lumaki at lumiit sa sandaling nagkamali.
Ang tali'y muling itatali, ang sarili'y bubuuing muli.
Sa pagpili sisiguraduhing pipiliin ay hindi mali.
Nang sa ganoon ako'y lumaki. lumaking muli.
At kapag lumiit muli, gagawin at uulitin ang mga nagawa sa dati, subalit hahanapin at babaguhin na ang mga pagkakamali...
BINABASA MO ANG
"Ewan, Masyadong Magulo"
Poetry"kumusta? anong nararamdaman mo? anong nararamdaman mo sa mundo? "ewan, masyadong magulo"