Ang mga tanong sa isipan ay umaagos. Lumuluha, dumudugo ng lubos. "Pwede pa bang ulitin ang pagibig nating kinapos, hindi ko kasi nagustuhan ang pagtatapos" Hawak-hawak ang sarili, pilit na inaayos.
Tila ba ang galit ng mundo'y sa kaniya binuhos. Satingin niya'y lahat ay nagtapos, tinignan ang sarili at sa mata'y nakakita ng kakaibang cosmos. Ito'y napaka kumplikado subalit ang pakiramdam ay umayos. "Hindi pa ako ubos, kasandal ang natitirang sarili para sa paghahanap ng remedios" ani habang nakakaramdam sa panibagong simula ng nerbyos.
Halos maubos,
subalit kaya pa itong maayos...
BINABASA MO ANG
"Ewan, Masyadong Magulo"
Poetry"kumusta? anong nararamdaman mo? anong nararamdaman mo sa mundo? "ewan, masyadong magulo"