Gusto ko ng matulog,
sa isipan kasi'y nagsisimula ng makarinig ng matinding kulog.
Hindi sinasadyang ang
saloobin ay masunog.
Patawad na hinayaan
ang puso'y madurog.
Ang mata'y napapagod na
sa paggawa ng ilog,
hindi akalaing ang emosyon
ay unti-unting sasabog."Ano 'yong narinig kong
malakas na tunog?!"
Sa lugar na matayog,
sabay silang nahulog.
Sa lupa, sabay silang
lumubog. Siya at ang
hawak-hawak na itlog,
ay bigla na lang nadurog.
Sa sahig, makikita ang
pira-pirasong bubog...
BINABASA MO ANG
"Ewan, Masyadong Magulo"
Poesie"kumusta? anong nararamdaman mo? anong nararamdaman mo sa mundo? "ewan, masyadong magulo"