No.9 | Matagal Tagal Na Rin

7 3 0
                                    

A.N: I wrote Matagal Tagal Na Rin and No.5 | Mahina Ka Ba? At the same day so it's kinda similar. Thx <3

  Matagal tagal na rin nung umiyak ako. Siguro ang hirap talagang maging malakas, ano? Ang sabi nila "Mayroong magandang benepisyo ang pagpapakawala ng mabibigat na damdamin at luha" Ayaw ko 'yong gawin. Ayaw kong umiyak, ayaw kong magpakita ng kahinaan kasi alam kong sa sarili kong ang hina-hina ko na nga para magpakita pa ng kahinaan.
    Matagal tagal na rin nung maramdaman ko ang pakiramdam na ito. Hindi maintindihan at ang gulo-gulo, nagkakaroon na rin ng tinik ang puso. Ang mga mumunting bagay sa buhay ay unti-unting gumuguho.
    Sinubukan ko namang maging malakas, pero sa katagalan ako rin pala'y kakalas.
    Matagal tagal na rin at ayaw ko ng ulitin, ngunit ang isip ay nagpupumilit na ito'y araw-arawin.

&quot;Ewan, Masyadong Magulo&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon