No.15 | Pambura

4 3 0
                                    

   Sa sahig ay nakatulala, ang tala ay nababahala. Ang hiling lang ay tumigil na. Ang nais niya'y matigil na.
   "Mabubura kaya ang lungkot na dala-dala? kasi ako'y sawang sawa na" Hawak-hawak ang pambura, ang matalim na pambura~
   "Mabubura niya kaya ang masasakit na alaala? Mabubura niya kaya ang mabibigat na sa puso'y gumagala?" Hawak-hawak ang pambura, ang matalim na pambura. Walang panghihinayang na binura ang kaniyang hininga, Walang pag-iisip na binura ang lahat-lahat sa buhay niya~
   Habang hawak-hawak ang pambura, ang matalim na pambura. Isang mabigat na hininga ang lumabas sa labi niya "Nabura ba?..."
  

"Ewan, Masyadong Magulo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon