Ang mistulang matatag na pagmamahalan ay dahan-dahang gumigiba, unti-unting nawawala. Tinanong nila ang sangkatauhan kung anong pagkakamali nila, "Napagod kayong dalawa, kayo'y natakot at nabahala at sabay kayong nagtatago ng nais niyong itala, kinakain niyo ang mga salita," Ang sangkatauhan ay biglang nawala, ang luha sa kanilang mga mata'y muling nagpakita. Nagkatinginan ang dalawa pero ang bibig nila'y patuloy parin sa pagnguya... kinakain na naman nila ang mga salita.
"mahal pa kita"
BINABASA MO ANG
"Ewan, Masyadong Magulo"
Poetry"kumusta? anong nararamdaman mo? anong nararamdaman mo sa mundo? "ewan, masyadong magulo"