Sa kalangitan maririnig ang malalakas na mga kulog, ang liwanag ng mga tala ay kanilang hinahandog. Masisilayan ang puso na nadudurog, na nawawasak at nagiging bubog. Umaagos ang galit, hinanakit, sakit, at kirot. Ang dugong umaagos sa puso tulad sa ilog. Sa kalaunan maririnig, masisilayan ang mga tao na sumasabog at pagkatapos ng pagsabog
ang mga tao'y magbibigay muli ng liwanag na matayog.
'Kikinang ang mga tao, titingkad at
liliwanag ang mga ito'
BINABASA MO ANG
"Ewan, Masyadong Magulo"
Poetry"kumusta? anong nararamdaman mo? anong nararamdaman mo sa mundo? "ewan, masyadong magulo"