"Pilit na naman ang ngiti mo," mariing rinig sa isang sulok. "Sa talaarawan mo, wala kang maitala, sa parte na mumurahin mo pa lang sila, paayaw ka na, pilit mong hinahanap ang mga salita pero sa huli'y hindi mo rin naman ito mailalabas, 'di ba? Mahina ka kasi tanga. "Ano na? Kaya mo pa ba?", "Hindi ko na alam. Hindi ko na kaya. Ayaw ko na" ang ani niya habang dahan-dahang nawawala. Tinatabunan siya ng mga luha...
Ang mata'y lubog na naman,
makakayanan niya kaya itong matakpan? Makakayanan kaya niyang matakpan ang matang lubog na naman at ang dahilan kung bakit siya umiyak kamakailan?—
BINABASA MO ANG
"Ewan, Masyadong Magulo"
Poetry"kumusta? anong nararamdaman mo? anong nararamdaman mo sa mundo? "ewan, masyadong magulo"