Chapter 10 - Rumors

40 1 0
                                    

Stephanie's POV

Naglalakad nako papunta sa school, yieee kinikilig ako kapag naaalala ko yung nangyari kahapon!!!

"Mama bakit po nagtatatalon yung ate dun?" - bata

"baka nababaliw na yan anak.." - nanay ng bata

"Hoy hindi ako baliw!!!" - me

"Tara anak takbo!!!" - nanay ng bata ay grabe pinagkamalan tuloy akong baliw! pero heh wala akong pakielam basta ang sakin ngayon kinikilig ako! Wednesday ngayon, napadaan ako sa may mini stop, pumasok muna ako para bumili ng pagkain ko, nakakagutom eh. Pagpasok ko dun, may nakita akong pamilyar na mukha, si? Si zac?! Anong ginagawa nya dito?!! -____- malamang sa alamang bumibili no?! Napansin nya ata ako kaya lumapit sya sakin. Inabot nya sakin yung bottled water na hawak nya.

"Thankyou. Hmm, oras na ah? Bat di ka pa pumasok?" - me

"Eh bakit ikaw?" - zac

"Napadaan lang ako dito, nagutom ako eh." - me

"Pareho lang tayo." - zac

"Una na ako sayo zac, salamat dito sa inumin! bye!" - me nagwave ako sakanya at lumabas na ng mini stop, tsaka nako diretso sa klase.

Pagpasok ko sa classroom, nakita ko si ron. Nakaupo, nakatingin sakin habang may hawak na teddy bear na pink with rose.

"GoodMorning babes!" Tumayo sya at niyakap ako.

"Para sayo to." Ngumiti sya. Niyakap ko ulit sya ng mahigpit.

"Thankyou." - Me

"Pshh nakoo sige ingat ingat lang baka may peste na dyan sa tabi tabi." - Cass Ano nanaman ang problema ng isang to?

"Cass anong problema?" - Me

"Ah problema? Wala. Wala talagang problema, okay ang lahat!"

she said in a sarcastic tune. Hindi ko nalang sila pinansin.

Cassandra's POV

"Ah problema? Wala. Wala talagang problema, okay ang lahat!" Sabi ko kay steph, you know what's the problem guys?

Flashback Yesterday (Tuesday) at Sweets Cafe:

"Hello bruha? Punta ka sa Sweets Cafe ngayon din." Kausap ko si scarlette. Pinapunta ko dito sa usual place namin. Kino'contact ko si Steph di sya sumasagot. Hapon na ngayon, kakauwi lang namin galing school. Hinatid ni ron si Steph kanina eh, oh well.

"Ay pusang kinalbo ng nanay!!!" Nagulat ako kasi bigla bigla nalang sumusulpot out of no where tong si scarlette!

"Bakit moko pinapunta dito?" - Scarlette

"Wala, tambay tayo. Di sinasagot ni steph phone nya eh." - Me

"Ok, order lang ako saglit." - Scar

"Sige dalian mo." Umalis na sya at pumunta sa counter. Habang ako nag'tutwitter dito, tweet lang ng tweet, nakakaboring sa bahay kasi.

"Girl!! Ang gwapo ng ka'date ko kahapon!" - Girl1

"Sino nanaman yan?" - Girl2

Mga palakang to oo, makapagkwentuhan naman parang walang ibang tao dito sa cafe!

"Si Ron! Yung gwapo sa Millard Fillmore High School! Like gosh! Katext ko nga sya ngayon eh!" - Girl1

Bigla naman akong napatayo. Napatingin silang dalawa sakin. WHAT?! RON? DATING THAT GIRL?! Kailangan tong malaman ni stephanie.

"Cass ba't ka napatayo dyan umupo ka nga." - Scarlette

"I heard the two girls talking, yung isang babae *sabay turo sa nguso nung girl1* kadate daw nya si ron kahapon, at katext nya pa ngayon!" - Me

"What?! Eh si ron at steph kaka'on lang nila nubg saturday night diba? Bakit ang bilis naman lokohin ni ron si steph?" - Scarlette "Hindi ko alam, basta kailangan tong malaman ni Steph." - Me

"Pero kailangan natin ng ebidensya. Tsaka masasaktan si Steph cass. Ayaw naman natin syang nakikitang nasasaktan, ngayon nalang nya naging masaya yan." - Scarlette

Sabagay may point sya, wala kaming ebidensya kasi narinig ko lang naman. Bakit kasi di ko nirecord! -___- Lumabas na yung dalawang babaeng naguusap. Masasaktan kasi si steph pag sinabi namin sakanya to, kaibigan namin sya kaya ayaw naman namin na niloloko sya. Bahala na po.

End of Flashback

Kaya ganyan nalang ang reaksyon ko kanina, pa'teddy bear at rose pang nalalaman manloloko naman! Now I know, Parehong pareho si Ron at si Adam. Si Zac hindi ko talaga alam ang background nya, basta ang alam ko isa syang gwapo, mayaman, tahimik at palaging tulog. Ayan lang, diba? Napakaganda ng mga facts na meron sya. Tinignan ako ni Steph ng We-need-to-talk-later look. Nagnod naman ako. Sasabihin ko na to, para rin naman sa ikabubuti nya tong gagawin ko eh. After all she's my bestfriend, pati na rin si Scarlette. Ayaw kong may nasasaktan, napapahamak at niloloko sa kahit sino man sakanilang dalawa, parang kapatid ko na rin tong dalawang to eh. Hindi ko lang alam kung makikinig sakin si Steph.

A/N: Hello po sa mga readers kong magaganda/gwapo. Enjoying the story? Well, iniinspire nyo ko for everthing, pangatlo ko ng story to can't you imagine guys?! Sana po suportahan nyo to hanggang sa huli, hanggang dito muna readers! Medyo busy pa si Author, lol. And again, thankyou! God Bless you All. :)

You gave me Forever in just Seven DaysWhere stories live. Discover now