19

971 47 2
                                    

"Kainan na!" Sigaw namin at nagsimula ng kumuha ng pagkain.

Tanghali na kasi at dumating na rin ang order na pagkain kaya nagsimula na kami. Kumuha ako ng kanin saka balat ng letson at nagsimula ng rin kumain.

Maya-maya pa ay may naglagay naman ng laman ng alimango at ang aligi nito. Nang tingnan ko kung sino ay napangiti naman ako ng makita si Daddy na naghihimay.

Punong-puno 'yung likod ng alimango ng aligi na kulay orange na matigas. Pero sabi nila ay huwag raw magpapasubra dahil mahihilo ka rin raw. Nilagyan ko rin iyon ng sauce na medyo maanghang pero hindi naman din masyado. Masarap iyon kaya mas lalo akong ginanahan sa pagkain.

Kumuha rin ako ng squid na inihaw dahil mukhang masarap. Ang dami-dami kasing pagkain kaya kuha ka lang ng kuha.

May ibang serving na maliliit lang dahil kaunti lang naman ang pwede mong kainin sa mga iyon dahil nakakasama rin iyong sobra.

Nang matapos kaming kumain ay nagkahiwa-hiwalay naman kami. Ang mga Kuya ko ay nasa tabing dagat at nagpapahinga. Sina Daddy Astig at Mommy Ganda naman ay umakyat na muna sa room nila dahil magpapahinga raw rin sila doon. Habang kami naman ni Daddy ay nandito sa may malaking bato na nasa may bandang kanan ng lugar.

"Nabusog ka ba?" Biglang tanong nito.

"Oo naman po."

"Hm. Good to hear then."

"Kayo po ba?" Tanong ko naman pabalik.

"Tingnan pa lang kita busog na busog na ako." Napatingin naman ako sa kaniya at nakatingin na rin siya sa akin.

"A-Ah..."

"Pft. You're too cute, hm?"

"Malaki na po ako eh. Hindi na po ako cute." Kamot-ulong saad ko.

"Lahat pwedeng maging cute. Mapabata man o matanda." Saad nito at pinisil ang ilong ko.

"O-Oo nga po..." Iyon na lang ang naisagot ko dahil hindi ko alam ang gagawin o isasagot. Parang biglang huminto ang utak ko.

"By the way, kamusta naman ang school? Hindi na kita nabibista dun."

"Ayos naman po. Next week na lalabas 'yung grades namin for first grading."

"Hm. Good."

"How about your baon? May pera ka pa ba?"

"Opo. Ang dami-dami pa po doon sa account ko, hindi ko ata iyon nagagalaw eh. Binibigyan din kasi ako nina Kuya ng pera."

"Use them. Binigay ko sayo iyon para gamitin mo. Buy some new clothes, gadgets, anything you want."

"Eh ang dami-dami ko na pong damit sa bahay. Kompleto din po ang gadgets doon. Tsaka wala naman po akong masyadong gusto dahil nabibigay niyo naman po eh. Kahit hindi ko na nga po hingin."

"Because you deserved those things." Nakangiting saad nito saka pinisil ulit ang ilong ko.

"Sa---"

"Phoenix, long time no see." Sabay naman kaming napatingin ni Daddy sa nagsalita.

"Oh, Roxx! Long time no see. Anong ginagawa mo dito?" Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa lalaki at babae na nakangiti sa amin.

"Bakit bawal ba ako rito? HAHAHA. Well, andito kami ng fiancee ko for vacation. My fiancee, Reheánne." Saad ng lalaki na Roxx ang pangalan. Sinulyapan naman ako nito bago napunta ang paningin kay Daddy.

"Oh, I see. Nice to meet you, Reheánne." Saad ni Daddy ng makalapit kami at nakipagkamay doon sa babae.

"Nice to meet you too, Phoenix. You're too famous in my country." Nakangiting saad pa ng babae na halatang taga-ibang bansa.

"Hm. By the way, this is Rin, my baby." Nakangiting pagpapakilala niya sa akin kaya nahihiya naman akong ngumiti sa dalawang taong nasa harap ko.

"Hi po." Magalang na bati ko.

"Hello. He's cute, ah?" Sabay na saad ng dalawa.

"Ofcourse. It's my baby in the first place." Aniyang proud na proud na saad ni Daddy.

Waaaah! Kinakabahan ako...

"Hi there, I'm Roxx, a friend a your daddy Phoenix."

"H-Hi po." Ginulo naman niya ang buhok ko saka nginitian ako kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Hello cutie, you look so adorable, you know. I'm Reheánne, by the way." Pagpapakilala niya ulit at pinisil pa ang pisngi ko.

"T-Thank you po. Ang ganda-ganda niyo rin po. Bagay po kayong dalawa." Totoo, ang ganda ni Ate Reheánne at gwapo naman ni Kuya Roxx.

"Oh, thank you! Rin, do you want to eat ice cream? Let's buy some." Biglang tanong ni Ate Reheánne kaya tumango naman agad ako.

Nakakain na ako kanina matapos ilibre nung lalaki pero gusto ko ulit na kumain at nakakahiya naman na tanggihan si ate Reh.

"Opo!" Excited na sagot ko.

"Tara ro'n. May Kuyang Vendor doon." Slang siya magsalita pero maganda pa ring pakinggan.

Tumango naman ako at humarap kay Daddy. Mukhang nakuha naman nito na gusto kung samahan si Ate Reh kahit na kumain na ako kanina ng ice cream kaya hindi niya ba binanggit pa ang katotohanang iyon. "Just enjoy." Bilin pa nito kaya agad naman akong ngumiti saka tumango at umalis na doon kasama si Ate Reh.

Maya-maya pa ay nakita ko ang isang matandang nagtitinda ng Ice cream. "Hindi ko po alam na meron palang ganito rito."

"Ako rin HAHA. But someone told me that they selling some ice cream here so I look for it since I really love ice creams and then, I found it. You love ice cream too?" Nakangiting tanong nito kaya tumango naman ako.

"Opo. Iyong blueberry po paborito ko. Meron po ba?" Tanong ko sa Mamang nagtitinda.

"Oh, mine is keso. I love cheese then Ice cream. Ice cream in keso flavor is double heaven!" Natawa naman ako pero napatango-tango rin.

"Here is your blueberry and keso ice cream. Enjoy!" Ngumiti naman kami doon sa nagtitinda at si Ate Reh ang nagbayad dahil nakalimutan kung magdala ng pera. Andoon sa cottage iyong wallet ko.

"A-Ahm...can I call you, Ate Reh? Masyado po kasing mahaba ang pangalan niyo eh hehe."

"Oh, yes naman." Nakangiting saad nito.

"Matagal na po kayong nandito sa Pilipinas, Ate Reh?" Tanong ko pa ulit at kumagat sa ice cream ko.

Sarap!

"Not so matagal. Uhm...maybe a year? Nandito lang naman kami ni Roxx for vacation pero now we decided to stay here for a long time. Ang boring kasi doon sa amin HAHAHA." Natawa rin ako sa sinabi nito.

"Pero ang galing niyo na pong magtagalog. Kahit slang ay maayos na rin at maganda naman pakinggan. Anong po pala ang lahi niyo, Ate Reh? Saan po kayo nakatira?"

"I'll take that as a compliment hehe. Oh, hindi halata pero I'm a half Japanese and half Korean but I lived in UK." Nagulat naman ako habang nakatingin sa kaniya habang siya naman ay tinawanan lang ako.

Kung titingnan mo ay hindi mo aakalaing Asian siya. At iyon talaga ang nakikita ko at napapansin! Maputi. Kulay asul ang mata. Blonde ang buhok. Mataas. Maganda. At higit sa lahat ay hindi siya singkit.

"You look so shocked? Well, ako man ay na-shock din ng nalaman ko HAHAHA. Wala sa face ko, no?" Tumango naman ako kaya tumawa na naman siya pero maya-maya ay tumigil rin pero nakangiti pa rin. "By the way, how old are you?"

"15 turning 16 na po---"

"What?!" Gulat na sigaw nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. "I thought you are 13?!"

Natawa lang naman ako dahil sa gulat na reaksiyon nito. Para talaga siyang gulat na gulat. Pero ang ganda pa rin ni Ate Reh.




THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon