Hindi ako puwedeng magkamali...
Tama yung nakita ko kanina.
Bakit siya nandito?! Paanong nangyari iyon? Sana ay pinaglalaruan lang ako ng mata ko. Dahil kung hindi...mapapatay ko talaga siya.
Ang lakas ng loob niyang bumalik pa dito matapos ng ginawa niya. Ang gago niya!Takbo ako ng takbo sa gubat malapit sa talon at maya-maya lang ay nakita ko nga siya.
Hindi nga ako pinaglalaruan ng mga mata ko. Siya nga iyong kanina pa nakamasid sa amin.
"Tigas rin ng mukha mong bumalik eh, no? Ano na namang pakay mo, huh?" Galit na sigaw ko habang nakatingin sa kaniya. Wala na iyong dating maayos na mukha niya.
Ngayon ay marumi ang damit. Mangingitim ang gilid ng mata at namumula naman ang mismong mata niya.
"Nakita mo ba yung batang lalaki doon sa me ilalim ng talon? Ang ganda ng mukha niya, diba? Siguro ay maganda rin siya ikama---"
"Gago ka pala, eh! Nababaliw ka na ba, huh?" Singhal ko sa kaniya matapos siyang suntokin sa mukha.
"Katawan pa lang, solve na. Napakapakialamero niyo kasi kaya hindi ko siya nasolo ng nakaraan. Pati iyong isa ay hindi ko man lang natikman---"
"Putangina mo!" Sigaw ko at sinuntok na naman siya sa panga sa pangalawang beses. "Ang lakas rin talaga ng apog mo, eh, no?! Akala mo makukuha mo sila? Hindi! Mamamatay na muna ako bago mo magalaw ang mga kaibigan ko, gago!" Sinugod ko siya at pinagsusuntok at pinagsisipa pero bigla na lang ako nitong itinulak dahilan para matumba ako at tumama ang gilid ko sa ugat ng kahoy dahilan para manghina ako bigla.
Shit!
"Edi papatayin na lang kita at isusunod ko yung mga gagong sumuntok sa akin kagabi para makuha ko si Rin at Nikki! HAHAHA hindi na ako makapaghintay na angkinin---"
Sinipa ko siya pero nasalo lang niya iyon saka agad akong sinakal at pinagsusuntok sa mukha at agad rin akong bumabawi. Hindi ko na alam kung saan tumatama ang mga suntok ko basta ang alam ko lang ay papatayin ko ang baliw na 'to.
"Gago ka. Gago ka. Hindi mo magagalaw ang mga kaibigan ko, gago!" Sigaw ko at sinipa siya pero nahawakan nito ang paa ko kaya dalawa kaming nagpagulong-gulong sa lupa.
Napainda pa ako sa gilid ko dahil tumama na naman iyon sa bato kaya dumoble ang sakit na nararamdaman ko pero pinilit kung tumayo at pinagtatadyakan ang gago sa mukha. "Kung ako ang masusunod ay gustong-gusto na kitang patayin pero alam kung magagalit si Rin sa akin kaya pagbibigyan pa kitang animal ka. Pero lapitan mo pa uli sila, ipapatikim ko na sayo ang impyerno, putanginamo!" Sigaw ko at malakas na sinipa ang mukha niya dahilan para mawalan ito ng malay.
Kailangan kung masabihan ang iba...
Tumatakbo akong bumalik papunta kung nasaan ang iba habang inda-inda pa rin ang gilid ko na sobrang sakit at ang mukha kung namamanhid na kasama yung kamay ko at paa. Nakapaa lang ako kaya alam kung puno na ng sugat ito ngayon. Ang kamay ko naman ay nagkasugat-sugat na dahil sa pagsuntok sa mukha ng animal na gagong iyon.
Baliw na manyakis pa ang putangina.
Maya-maya ay narinig ko na ang ingay na nanggagaling sa talon. Kaya alam kung malapit na ako. Hindi na ako makakita ng maayos dahil parang nagsara na ang isang mata ko at ang isa ay nanlalabo rin.
Lahat ng madadaanan kung sanga ay pinagpuputol ko at basta na lang inihahagis sa lupa.
Basta na lang akong nakalabas mula sa gubat habang hawak-hawak pa rin ang gilid dahil ang sakit niyon.
"Anong nangyari sa'yo?" Rinig kung tanong ni Rin na tinutulungan akong tumayo.
Dinala nila ako papunta sa may ilalim ng puno at narinig ko namang tinawag ni Nikki si Sir at ang ibang tour guide.
Makaraan ang ilang sandali ay nakita ko na si Sir sa harapan ko kasama iyong iba. "Anong nangyari sayo, Az?" May bahid ng pag-alala ang boses nito.
Sinubukan ko namang ibuka ang bibig ko pero agad ring napaigik dahil kumirot iyon bigla. Pero kailangan kung masabi sa kanila ang nalaman ko.
"Andito si Dame..."
Panimula ko dahilan para matigilan silang lahat at halata ang gulat sa mukha nila lalo na ke Rin na siyang may hawak sa akin ngayon. Nakita ko pa kung paano siya lumunok at naramdaman ko paano siya manginig bigla.
"P-Pero paano? Andoon na siya sa---"
"Tumawag si Cap at sinabing nakawala raw si Dame, Sir! Ngayon ay may papunta na raw na police dito para hulihin siya." Bigla namang sigaw ng isang guide na habol-habol pa ang hininga.
"Dammit! Siya ba ang may gawa sa'yo niyan?"Tanong ni Sir kaya tumango naman ako.
"A-Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Rin. Pinilit ko namang ngumiti saka tumango.
"Hm. Huwag kang mag-alala. Hindi ka niya malalapitan." Sagot ko.
"A-Anong ginawa mo sa kaniya?" Gulat na tanong nito.
"Tsk! Gusto ko sana siyang patayin pero alam kung magagalit ka sa akin kaya pinatulog ko na lang. 30 or 40 meters from here, makikita niyo siya. Sundan niyo lang yung mga baling sanga." Saad ko.
Pero hindi pa nakakaalis sina Sir ay biglang dumating ang mga police. Sila siguro ang pinadala para hulihin ang gago.
Sumunod sa kanila si Sir at dalawang tour guide para ituro ang daan papunta doon sa gago.
Naiwan naman kami at agad akong dinala pabalik sa camp site namin dahil andoon ang first aid.
"Kaya ba wala ka sa sarili mo kanina kasi nakita mo siya?" Tanong ni Rin habang ginagamot ang mga sugat ko.
Andito kami ngayon sa tent ko at kasalukuyang ginagamot ako at alalang-alala pa rin.
"Hm. Nung una ay akala ko namamalik-mata lang ako pero patagal ng patagal ay lumalakas na ang kutob ko kaya sinundan ko siya. Tsk! Ang gagong 'yun... akala ko kung sinong santo sa umpisa 'yun pala eh numero unong alagad ng demonyo. Pero huwag ka ng mag-alala. Hindi na siya makakalapit sayo o sa inyo. Subukan niya lang lapitan ang mga kaibigan ko at papatayin ko na talaga siya. Tsk. Mukha pa lang niya ay nakakabadtrip na. Nakakadiri. Tsk."
"Salamat ah..."
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]
ActionPhoenix had already fallen head over heels for Rin, ready to move mountains for the child. Even his family adored Rin, embracing him wholeheartedly. Then there was Axel, the icy demeanor masking a secret affection for Rin. Despite his cold facade, A...