"Salamat, ah. Salamat kasi ginawa mo 'yon para sa amin. Sorry rin. Kasi dahil rin sa amin ay naranasan mo 'to." Nakokonsensiya ako.
"Matik na 'yon, kaibigan ko kayo, eh." Sagot naman niya kaya napangiti naman ako.
"Salamat at kinaibigan mo'ko."
"Tsk. Lahat ata gusto kang maging kaibigan, eh." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"T-Talaga?"
"Tsk. Sa school ata lahat ng tao ro'n ay gusto ka. Good and bad interests added, kung bakit ka nila gustong maging kaibigan syempre. Natatakot lang talaga silang lumapit kasi palagi mo kaming kasama lalo na kapag yung dalawang anghel ang kasama mo. Takot lang nila. Tsaka hindi ka naman kasi mahirap gustuhin, mabait ka, tapos mapagbigay. Tapos napakainosente mo rin, parang wala kang alam na hindi maganda. And lastly you're cute, for me. Pero para sa iba nakikita ka nilang maganda. Kasi totoo naman." Simpleng sabi nito.
"So may gusto ka sa'kin?" Inosenteng tanong ko sa kaniya.
"Hm... oo, dati. Crush kaya kita dati HAHAHA. Ang cute cute mo kasi tapos ang bait-bait pa. Akala ko kasi dati nagkukunwari ka lang mabait kaya snob pa ako sayo nung una at pinagdidiskitahan ka pero in the end ay nalaman ko na inosente ka nga. HAHAHA. Tapos noong binigyan mo'ko ng band aid HAHAHAH ayaw ko na sanang palitan 'yon, eh. Ang cute rin kasi tapos first time na may mag bigay sa akin n'on eh at nag-alala dahil nakita akong may pasa. Pero habang patagal ng patagal na-realize ko na gusto lang talaga kitang maging kaibigan kaya gusto ko palagi na malapit sa'yo. Pero don't worry. Kaibigan talaga kita at parang kapatid na nga, eh."
"At kaibigan din kita at parang kapatid na. Lahat naman ata kayo, eh. Ang babait niyo kasi sa akin."
"Kasi sobrang bait mo rin sa amin. Alam mo yung si Axel at Nixxon? Dati walang pinapansin yung mga 'yon at palaging nag-aaway tsaka hindi ka talaga makakalapit sa kanila basta hindi ka nila kilala. Pero dahil may sa anghel ka ayon at napatiklop mo yung dalawa. At tumigil talaga sila--kami sa pakikipag-away noong sinabi mo sa amin 'yon. Ewan, parang naging sunod-sunuran na kami sa'yo, eh. May magic ka ata, eh." Natawa naman ako saka tinapos ng lagyan ng band aid ang pasa niya sa me pisngi.
"Wala akong magic. Maayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ko naman.
"Medyo masakit pa rin yung buong katawan ko pero pahinga lang 'to at pwede na ulit akong mag-dive doon sa talon---"
"Hindi puwede! Hindi ka pa nga gumagaling tapos ayan na iniisip mo. Hayy!"
"Hindi ko naenjoy kanina, eh. May panira kasi." Napanguso na naman siya.
"Huwag ka ng galit. Hayaan mo na 'yon, police na bahala sa kaniya." Sabi ko pa.
"Ngayon hindi ka na natatakot pero kanina ay namumutla ka ng sabihin ko na nandito siya. Natakot ka kanina, no?"
Napanguso naman ako saka tumango. "Syempre naman. Naiisip ko kasi na baka saktan o papatayin niya kami. Kagaya nung kagabi, grabi kaba ko nun eh. Tapos nakita ko pa siya na pinasok talaga 'yung tent namin. Kung ako siguro ang andoon sa loob at pinasok niya ako---hindi ko alam gagawin ko. Siguro maiiyak na lang ako doon dahil sa takot." Saad ko pa.
"Tsh. Enough of that topic. May pagkain ba diyan?" Natatawa tumango naman ako.
"Ano ba gusto mong kainin?"
"Sandwich na marami. Hindi pa ako kumakain, eh. Gutom na gutom na ako." Nakangusong sagot nito habang hinihimas ang tiyan at napaigik rin ng masagi niya ang gilid kung nasaan may sugat siya.
Sabi niya kanina tumama lang 'yun sa bato pero halos matuhog na 'yung gilid niya. Hayy. Mabuti na lang at hindi masyadong malalim ang sugat.
"Huwag ka kasing malikot. Sandali gagawan kita tutal madami naman kayong pagkain dito sa tent niyo."
"Sige. Sige. Pipikit muna ako sandali, tawagin mo'ko pagtapos ka na." Sabi pa nito pero tumango lang ako saka pumunta na sa gilid at nagsimulang gumawa ng sandwich.
Nasa me gilid na iyon sa me taas ng bagahe niya. Andoon na 'yung tinapay at mga palaman. Nagsimula naman akong maglagay ng Nutella doon sa loaf at dinamihan ko ng lagay.
Matapos gumawa ng isa ay inilagay ko iyon sa me ibabaw ng plastic saka gumawa ng panibago hanghang sa makagawa ako ng tatlong sandwich.
Bumalik naman agad ako sa gilid ni Az at ginising siya. "Oy, andito na 'yung sandwich mo." Saad ko pero hindi siya gumalaw kaya niyugyog ko naman siya ng bahagya pero wala pa rin.
Tulog?
"Oy?" Niyugyog ko pa siya pero wala talaga.
Inilagay ko na lang iyon sa me loob ng plastic container saka inilagay sa me gilid ng ulunan niya saka lumabas na muna.
"Maayos na ba si Az?" Tanong ni Nikki ng makalapit matapos akong makita.
"Maayos naman na. Ayon, nanghingi ng pagkain kasi nagugutom pero nakatulog sa paghihintay. Siguro pagod na pagod 'yun."
"Hm. Kitang-kita nga sa mukha niya kanina ang sakit at pagod eh. Gusto ko siyang pasalamatan mamaya kaso nahihiya ako."
"Bakit ka naman mahihiya? Tsaka dapat talagang magpasalamat ka-tayo kasi kung hindi dahil sa kaniya hindi natin malalaman na andito pa rin pala sa paligid si Dame. Baka kung ano pang nangyari, diba?"
"S-Sige. Pero samahan mo'ko, ah?"
"Oo ba. Sabay na lang tayong pumunta doon sa kaniya mamaya." Ngumiti naman siya at balak sanang magsalita ng biglang mapatigil at parang biglang natakot habang nakatingin sa likod ko kaya napatingin naman ako doon at nagulat ng makita iyong si Dame na dala-dala ng mga police.
Punong-puno ng sugat ang mukha niya at ang rumi-rumi rin ng damit niya kagaya ng itsura ni Az kanina.
Nagulat kami ng biglang sinugod nina Axel at Nixxon si Dame. Pati iyong mga police ay nagulat sa biglang pagsugod nila at pati na rin iyong ibang tour guide at si Sir at nagulat rin. Kaya huli na nilang nailayo ang dalawa ke Dame na ngayon ay nasa lupa at nakahiga na.
"Gago ka!" Sigaw pa nilang dalawa at ayaw magpa-awat kina Sir kaya dali-dali na kami doong lumapit para pigilan sila.
Napatigil lang kaming lahat ng tumawa bigla si Dame at habang patagal ng patagal ay nagiging nakakatakot na iyon.
"Kayong dalawa, dalhin niyo na sina Rin sa tent nila." Utos ni Sir kina Axel ng makita kaming natigilan at natakot.
Isa nga siyang baliw...
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]
AcciónPhoenix had already fallen head over heels for Rin, ready to move mountains for the child. Even his family adored Rin, embracing him wholeheartedly. Then there was Axel, the icy demeanor masking a secret affection for Rin. Despite his cold facade, A...