"Alis na po ako!" Paalam ko sa kanila.
"Mag-iingat kiddo!"
"Ace your test."
"Mag-iingat!"Sigaw naman nina Kuya ko tumango naman ako saka kumaway at tuluyan ng lumabas sa bahay.
Nakauwi na rin kami, kahapon. Dahil may pasok ako ngayon.
Wala si Daddy ngayon dito sa bahay dahil bigla siya kaninang tinawagan ng secretary niya na may meeting daw sila.
Pumara ako ng taxi saka na tahimik na sumakay at nakatingin lang sa labas.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa school kaya nagbayad na ako saka bumaba at tuluyan ng pumasok sa loob.
Kagaya ng dati ay may mga mata na namang nakatingin sa akin pero binalewala ko lang iyon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa tuluyang makarating sa room namin.
"Good morning!" Masiglang bati ni Az sa akin kaya ngumiti naman ako.
"Good morning din. Saya mo ata?"
"Syempre! Nakita na kita eh." Natawa naman ako saka nailing na lang.
"Puro ka biro. Wala pa si Lie?" Tanong ko ng hindi makita si Lie.
Noon kasi eh silang dalawa ang unang bumabati sa akin kapag pumasok ako sa room.
"Andito naman ako pero si Lie pa rin hinahanap mo. Magtatampo na talaga ako." Pag-iinarte pa nito kaya natawa na lang ulit ako. "Wala pa siya. Mamaya pa siguro 'yon."
"Gano'n ba? Sige, punta na ko sa upuan ko. Maya na lang ulit." Saad ko saka dumeritso na sa upuan ko.
"Good morning." Bati ko kay Nixxon nang makarating.
Nagtaas naman siya ng tingin sa akin at tinitigan ako ng ilang sandali bago magsalita.
"Morning."
"Nasaan si Axel?" Tanong ko ng hindi makita si Axel sa upuan niya.
"Ang hilig mong maghanap sa wala." Mahinang saad nito pero narinig ko pa rin.
"Nagtatanong lang naman eh." Saad ko pa.
"Huwag mo'kong tanongin tungkol sa kaniya dahil wala akong pakialam sa kaniya."
"Oh, bakit parang galit ka?" Nakangusong saad ko naman.
Ang init-init na naman ng ulo ng isang 'to.
"Tsk. Huwag mo na kasing hanapin ang wala. Kung gusto nung magpakita, magpapakita 'yon."
"Oo na. Oo na. Ang init-init ng ulo mo." Saad ko pa pero nakakunot pa rin ang noo niya.
"Hoy, galit ka ba?" Tanong ko pa.
"Hindi."
"Eh bakit nakakunot 'yang noo mo?"
"Eh, sa nakakunot eh."
"Oh, ayan na naman. Galit ka na naman." Natatawang saad ko.
Baliw din talaga 'to eh.
"Ang kulit mo."
"Ikaw kasi ang init-init ng ulo mo."
"Whatever. Oh." Bigla itong may ibinato sa akin kaya agad ko namang sinalo iyon at napangiti ng makitang key chain iyon. Spongebob!
"Akin na 'to?" Tanong ko sa kaniya.
"Hm."
"Talaga?"
"Oo nga."
"Salamat!" Nakangiting saad ko pa saka tiningnan ulit ito. Ganda, ang cute.
"Do you like it?"
"Oo naman. Ang cute. Saan ko kaya 'to ilalagay?"
"Isabit mo sa bag mo." Saad nito kaya napatango-tango naman ako at kinuha ang bag ko pero napasilip naman ako sa bag niya at nakita ang isang key chain din. Si Patrick! HAHA ang cute!
Isinabit ko naman iyon sa bag ko sa me harap. "Bakit mo naman sa akin 'to binigay?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala naman akong ibang bibigyan." Simpleng sagot nito.
"Ay, may ibibigay din ako sa'yo." Saad ko ng maalala na bumili pala ako ng mga souvenir bago kami umuwi.
Kinuha ko iyon mula sa bag saka ibinigay sa kaniya ang maliit na box.
"Ano 'to?"
"Buksan mo na lang kasi." Nakangiting saad ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.
Binuksan niya naman iyon at kinuha ang hikaw na naroroon. "Naalala ko kasi na mahilig ka sa hikaw eh kaya hikaw na lang ang binili ko para sa'yo. Itim 'yung binili ko kasi parang puro itim 'yung hikaw mo eh."
"This look nice." Napako ang paningin niya ro'n habang nakangiti.
Mukhang nagustuhan niya...
Tama ang desisyon ko na iyon ang bilhin para sa kaniya hehe.
"Ako maglalagay sa'yo?" Presenta ko kaya binigay niya naman iyon sa akin at kinuha ko naman iyon. "Lapit ka ng kaunti." Utos ko sa kaniya kaya lumapit naman siya. Kinuha ko iyong hikaw na suot niya ngayon saka nilagay sa table niya saka kinuha iyong binili ko para sa kaniya saka iyon ang ipinalit. At ganoon rin ang ginawa ko sa kabila niyang tenga. "Bagay sa'yo." Saad ko at hinarap siya at nakita itong titig na titig sa akin.
"Bagay tayo."
"Ha?" Tanong ko dahil hindi narinig ang sinabi nito.
"Nothing. Thanks." Saad nito kaya ngumiti naman ako saka tumango.
Tiningnan niya naman ang hikaw mula sa camera ng cellphone niya. "This is my favorite now."
"Talaga?" Gulat na tanong ko.
"Yeah. It look nice on me."
"Sabagay. Pero mas maganda yung una---"
Nanlaki ang mata ko ng kinuha niya iyon at basta na lang itinapon sa basurahan. "Ngayon, mas maganda na 'to."
"Baliw ka talaga. Ang mahal ata nun?"
"I don't care."
"Hayy. Bahala ka nga."
"Ano naman ang regalo mo para sa iba?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Hm. Iba-iba eh. Pero maliliit lang rin kasi baka hindi kagkasiya sa bag ko kapag malalaki."
"Eh si Axel? Meron rin siya?" Tanong niya pa.
"Oo naman. Lahat kayo meron."
"Eh ano naman 'yung sa kaniya?" Kunot-noong tanong niya.
"Secret hahaha."
"Tsk. Baka mas maganda 'yung sa kaniya?"
"Hindi naman. Tsaka maganda kaya 'yang sayo, bagay na bagay sayo."
"Siguraduhin mo lang."
"Oo nga!"
"Tsk. My gift..." Nahiga ito sa braso niya at deritso akong tiningnan sa mga mata. Tumagal pa iyon ng ilang sandali bago siya nagsalita ulit. "I hope you treasure it."
Agad naman akong ngumiti at nahiga rin sa braso ko habang nakaharap sa kaniya. "I promise."
Napatigil lang kami sa pag-uusap ng biglang dumating ang teacher namin. Kasabay niya ay dumating na rin ang iba naming mga kaklase kasama na ro'n si Axel at Lie saka si Nikki.
Sinabi din niya na napaskil na raw doon sa me labas lang ng room ang resulta ng test namin.
Naunang nacompute daw kasi ang grade ng mga nasa special section.
Kaya hindi naman ako makapaghintay na matingnan kung ilan ang average ko ngayong quarter.
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]
ActionPhoenix had already fallen head over heels for Rin, ready to move mountains for the child. Even his family adored Rin, embracing him wholeheartedly. Then there was Axel, the icy demeanor masking a secret affection for Rin. Despite his cold facade, A...