32

857 41 1
                                    

"Ready na ba kayong lahat?" Pasigaw na tanong ni Sir habang nakatayo sa harap ng bus.

"Yes Sir!" Sigaw naman namin.

Ngayong araw na kami aalis papunta doon sa bundok na pagca-campingan namin.

"Kompleto na ba lahat ng gamit niyo?" Tanong pa ulit ni Sir.

"Yes Sir!" Sigaw namin ulit.

"Kung ganoon ay pumasok na kayo sa loob." Nakangiting sigaw niya kaya agad naman kaming naglakad papunta doon habang dala ang mga bagahe namin.

"You need help?" Tanong ni Axel pero umiling lang ako.

"Ayos lang. Kaya ko 'to. Tsaka may dala ka din oh." Natatawang saad ko.

"It's fine with me."

"Ayos lang. Tara na sa loob." Aya ko saka nauna na papunta doon saka pumasok at naghanap ng pwedeng upuan at sa huli ay napili ko doon sa tabi ni Nikki na agad namang ngumiti ng makita ako.

Nilagay ko sa taas ang mga dala ko saka naupo sa tabi niya.

"Excited na ako." Nakangiting sabi ko pa.

"Ako din. First time ko din kasi ngayon eh. Wala naman kasi tayong camping noon,  diba?" Napatango-tango naman ako.

"Mabuti at meron ngayon eh. Makakaranas din tayo." Natatawang sabi ko.

"Oo nga eh..."

Biglang nabitin ang sasabihin niya ng biglang dumaan si Axel sa gilid ko kaya natawa na lang ulit ako.

Ang cute niya.

"Bilisan mo nga!" Singhal ni Nixxon kay Axel ng tumigil ito sa tabi ko kaya wala na siyang nagawa kung hindi maglakad papunta sa likod at doon naglagay ng gamit saka naupo sa may likuran ni Nikki at sumunod naman si Nixxon at naupo sa me likuran ko.

"Ang dalawang 'yan talaga." Iiling na saad ko pa.

"Rin gusto mo?" Tunghay nito ng banana chips kaya tumango naman ako saka kumuha.

"Meron akong pagkain na dala kaso andoon sa bag." Ang daming pagkain sa bag na pinadala nina Kuya, utos daw ni Daddy.

Ayaw akong magutom.

"Ako andoon din pero kumuha ako kanina para hindi na ako tumayo pa." Napatango-tango naman ako.

"Ang sarap nito ah."

"Kain ka lang ng kain. Madami 'yan." Natatawang saad nito kaya natawa rin ako.

"Mabuti at hindi ka na nahihiya masyado, no?"

"Salamat sayo. Lahat sila ay kasundo ko na at hindi na nila ako pinagtritripan kaya hindi na ako masyadong nahihiya. Pinagtatanggol pa nga nila ako minsan eh." Masayang sagot nito.

"Sa akin? Anong ginawa ko?" Inosenteng tanong ko kaya napanguso naman siya.

"Sinabihan mo kasi sila na huwag akong awayin at pinagtanggol mo rin ako kaya hindi na nila ako binubully. Nagbago 'yung tingin nila sa akin dahil sayo." Napakamot na lang ako ng ulo dahil walang naintindihan pero tumango pa rin.

"Mabait ka lang talaga kaya mabait rin sila." Nakangiting saad ko na lang.

"Salamat nga pala sa binigay mo sa aking clip, ah? Malaking tulong talaga 'to." Napatingin ako sa buhok niya at nakaclip ang mahaba nitong buhok sa me gilid. Ang cute tingnan.

"Walang ano man. Bagay sayo." Humahangang saad ko.

Iyon 'yung regalo ko sa kaniya. Dahil palagi kung nakikita na may clip siya sa buhok. Iyon ang nilalagay niya para hindi mapunta sa mata niya 'yung medyo mahaba niyang buhok.

Napatigil naman ako sandali sa pakikipag-usap sa kaniya ng maramdamang nagvibrate 'yung cellphone ko. Kinuha ko naman iyon at nakita si Daddy na tumatawag kaya napangiti naman ako saka sinagot iyon.

Sinabi niya kasi kagabi na tatawag siya sa akin.

"Hello po?" Sagot ko.

"Hi. Nakaalis na ba kayo?"

"Opo. Andito na po kami ngayon sa bus at nagsisimula ng umandar."

"Be safe there, okay? And enjoy."

"Opo. Kasama ko po pala si Nikki." Saad ko saka inilapit kay Nikki ang cellphone.

"Hello po T-Tito..."

"Hello. Mag-enjoy kayo sa trip niyo, okay?"

"Okay po."

Ibinalik na ni Nikki sa akin ang cellphone dahil nahihiya na naman ito kaya natawa na lang ako.

"May kailangan po ba kayo, Daddy?" Tanong ko.

"Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin."

"Ganon po ba? Ayos lang po ako kaya huwag na kayong mag-aalala."

"Hm. Good then. Hindi na rin ako magtatagal at magsisimula na ang meeting ko. I just want to check you. Tatawag na lang ulit ako mamaya."

"Sige po. Sana maging maayos po ang meeting niyo."

"Thank you, baby. Bye."

"Bye po." Iyon na at ibinaba ko na ang tawag.

"Ang bait ng daddy mo, no? Palagi ka talagang inaalala."

"Oo nga eh. Iyong family mo ba?" Nalungkot naman siya bigla kaya naguilty naman ako. "Sorry naitanong ko pa..."

"Ayos lang." Nakangiting saad niya. "Hindi kasi kami close ng family ko. No, sa pamilya namin para ako lang 'yung hindi belong." Nalungkot naman ako bigla ng marinig iyon.

"Bakit naman?"

"Ewan ko din eh. Simula ng bata pa ako ay hindi na ako naging close sa Mommy at Daddy ko though naibibigay naman nila ang mga bagay na gusto ko but not their care. Wala silang pakialam sa akin kasi napunta na lahat iyon sa older brother ko. Siguro dahil sa ganito ako. Parang babae..."

"Wala namang masama doon, ah?" Nakangusong saad ko pa.

"Ayaw nila sa ganoon eh. Feeling nila abnormal iyon. Kaya nga ako nagkaganito eh, dahil din sa kanila. Dahil wala silang pakialam sa akin ay nawalan na rin ako ng pakialam sa sarili ko." Pagkukwento nito at nakinig lang naman ako. "Nang highschool...kadalasan ay merong nagkakagusto sa akin na mga lalaki. At dahil wala ako sa tamang pag-iisip ko nun lahat ng lumalapit ay kinakasundo ko. We did kissing like you see. Kaya naging maugong 'yung pangalan ko sa school at nakilala bilang 'whore' at kung ano-ano pang pangit na tawag. Hindi naman ako nagagalit sa kanila dahil tama naman sila doon. Kasalanan ko naman iyon eh. At isa doon sa mga taong 'yun si..." Tumingin pa siya sa likuran ko saka ngumiti. "Nixxon."

Masyadong mahina ang boses naming dalawa kaya tanging kaming dalawa lang rin ang nakakarinig sa usapan namin.

Ang dalawa sa likod ay may salpak na earphones ang tenga at ang sa harapan naman ay natutulog, sina Lie at Az.

"Nagkataon na parang pareho kaming may problema nun. I approach him and then namalayan ko na lang na we did it. Well, no feelings included. Basta ginagawa lang namin iyon para malimutan 'yung problema namin. I know its wrong but what can I do? Lunod na lunod na ako sa lungkot nun at iyon lang ang paraan na naiisip ko para may makasama...kahit panandalian lang. Halos lahat ng tao, pinandidirian ako pati na pamilya ko dahil sa nga ginawa ko kaya parang buong pagkatao ko ay hiyang-hiya na pero wala akong magawa kasi ako din naman ang may gawa nun kaya humantong sa ganon."



THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon