Nagising naman ako ng maramdamang may tumatapik sa akin. Nakita ko si Daddy na nakangiti sa harapan ko. "Get up. May pupuntahan tayo."
"Saan po?" Tanong ko at bumangon na.
"Secret muna. Maligo ka na muna, ako na bahala sa pag-iimpake ng mga damit mo." Tumango naman ako saka tumayo na at dumeritso sa banyo at naligo.
"Saan kaya kami pupunta?" Tanong ko sa sarili habang nagshashampo. Pero kagaya ng inaasahan ay walang sumagot sa akin. Napabuntong
hininga na lang ako saka nagpatuloy na sa ginagawa.Matapos nun ay agad na akong lumabas at nag-ayos ng sarili. Matapos nun ay bumaba na ako at nakita kung nag-aayos na rin sila para umalis.
"Mommy Mexx, tulungan ko na po kayo." Kuha ko ng dala nitong bagahe. Pero tiningnan pa ako nito ng ilang sandali na tila nagugulat.
"It's been a long time since you call me by my name. Is there something happened?"
"A-Ah wala po. Gusto ko lang po kayong tawagin sa pangalan niyo." Nakangiting sagot ko.
"Aww, how sweet. Come here and give your Mommy Mexx a hug." Lumapit naman ako at yumakap sa kaniya ng mahigpit na mahigpit.
Matapos nun ay agad na kaming lumabas at agad namang kinuha ni Daddy ang dala naming bagahe ng makita kami.
"Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"We're going to our resort. Napagdesiyonan daw nila kagabi na doon na tayo hanggang sa magbagong taon." Sagot naman ni Mommy Ganda kaya nagulat naman ako. "Is there something wrong?"
"W-Wala po. Nagulat lang po ako." Nakangusong sagot ko.
"Let's go." Sigaw naman nila Kuya na pumasok sa loob ng bus kaya sumunod na rin kami saka pumasok roon.
Katabi ko si Mommy Ganda sa upuan. Si Ate Pheona ay kinukulit si Kuya Krenx habang sila Kuya ay natutulog na. Sina Daddy Phoenix, Daddy Phindrex at Kuya Pharex ay nasa likod naman at nag-uusap.
"Son, matulog ka na muna. Mahaba-haba pa ang biyahe natin. Matutulog na rin muna ako." Tumango lang naman ako.
"Mamaya na lang po ako. Hindi pa po kasi ako inaantok." Ngumiti lang naman ito saka tumango.
Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Tinitingnan ang bawat nadadaanan namin.
Makaraan ang ilang sandali ay isinandal ko na ang ulo ko sa bintana at nagsuot ng earphones saka ipinikit na ang mga mata.
Pero makaraan ang ilang sandali ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi ako inaantok! Waaaaaah!
Napanguso na lang ako saka tumayo para kumuha ng pagkain sa may bag saka kumain na lang habang nakatingin sa labas.
Iyon lang ang ginawa ko sa buong biyahe namin. Hindi ako nakatulog! Hindi talaga ako dinalaw ng antok sa buong biyahe namin. Kaya kain na lang ng kain ang ginawa ko habang nakatingin sa labas para maaliw naman kahit papaano.
Nakakainis!
Kaya ng makarating kami sa resort ay napaderitso na lang ako sa kwarto ko. Lahat kami ay may sariling kwarto kaya solo ko ang kwarto ngayon. Hindi ko na namalayan ang nangyari ng mahiga na ako sa kama. Doon na ako tuluyang kinain ng antok.
Nagising na lang ako ng alas-otso na ng gabi ng may tumatapik sa pisngi ko. Napamulat naman ako at nakita si Daddy. "Bumaba na muna tayo para kumain. Hindi ka pa kumakain."
"Sige po." Naisagot ko naman saka bumangon na habang kinukusot pa ang mata.
"Hindi mo na nakita kanina ang sunset dahil dumeritso ka dito kaya bukas mo na naman iyon makikita." Saad nito kaya napanguso naman ako.
"Inaantok po ako eh." Sagot ko.
"I know. I know. It's okay, marami pa namang oras para makita ang sunset na 'yun eh." Nakangiting saad nito at pinisil ang pisngi ko.
"Samahan niyo po ako, ah?" Yumakap ako sa kaniya at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya ng nasa elevator na kami.
"Of course. Sasamahan kita lagi." Mas lalo naman akong yumakap sa kaniya habang nakapikit ang mga mata. "Inaantok ka pa rin ba?" Tanong nito habang hinahaplos ang likod ko.
"Opo."
"Hm. Kakain lang tayo sa baba then ibabalik na kita sa kwarto mo." Tumango lang naman ako saka kumalas na sa pagkakayakap sa kaniya saka kinusot ang mga mata.
Nang tuluyang makababa ay agad na kaming kumain. Nakakain na raw ang iba kanina kaya kami na lang ang natira na hindi pa kumakain. Hinintay niya pa ako kaya hindi rin siya nakakain.
Madaming pagkain na nasa mesa kaya kuha lang ako ng kuha ng mga gusto ko at kain ng kain pero hindi rin naparami dahil gabi na. Baka hindi ako matunawan kapag nagpasobra ako.
At bumalik nga kami sa kwarto ko ng matapoa kumain. Inihatid lang ako ni Daddy at umalis na rin at pumunta sa kwarto nito.
Pagpasok sa loob ng kwarto ko ay agad na akong pumunta sa banyo para magsipilyo. Matapos nun ay nahiga na ako sa kama at napatingin ng ilang sandali sa kisame.
Bawal pa akong matulog dahil kakatapos ko lang na kumain. Tumayo muna ako at naisipan na ayosin na muna ang mga dala kung bagahe. Napatingin ako sa closet na nandodoon at nakitang may mga damit na rin na nandodoon na pwedeng gamitin. May mga bathrobes at maraming tuwalya at kung ano-ano pang gamit.
Makaraan ang ilang sandali ay naisipan ko namang maligo na muna dahil nawala na naman ang antok ko. Kanina antok na antok na ako tapos nawala na naman. Hayyy.
Nagbabad ako sa bath tub na punong-puno ng bubbles saka napangiti at nagtampisaw doon at natawa rin sa sariling kalokohan.
Maya-maya ay nagbunlaw na lang rin ako saka tinuyo na ang sarili at saka nagbihis at lumabas na ng banyo at pumunta sa salamin at tinuyo ang sariling buhok. Matapos lahat ay agad na akong tumayo at pinatay na ang ilaw at inihagis na ang sarili sa kama saka tumingin pa ng ilang sandali sa kisame at napabuntong-hininga pa bago ipinikit ang mga mata.
At hindi nga nagtagal ay unti-unti na akong kinain ng antok at dinala sa kadiliman.
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]
AcciónPhoenix had already fallen head over heels for Rin, ready to move mountains for the child. Even his family adored Rin, embracing him wholeheartedly. Then there was Axel, the icy demeanor masking a secret affection for Rin. Despite his cold facade, A...