57

657 32 0
                                    

"Okay. Okay. Kumain ka na." Natatawang saad ko naman saka nagbalat na rin ng kamote at kumain na rin.

Hindi ko naman maiwasan na hindi siya tingnan dahil ang gana nitong kumain. Parang bata na gutom na gutom. Dumukwang naman ako at inayos ang damit na suot nito. Malaki iyon kaya lumalabas na ang balikat niya. "Wala ka na bang nararam- damang kakaiba?" Tanong ko sa kaniya at naupo ulit sa me papag.

"Wala na. Magaling na talaga ako. Kain ka pa. Madami 'yan, madami akong nakita eh." Masayang sagot nito.

"How about your wound?" Tanong ko at nagbalat ng saging at binigay sa kaniya iyon.

"Pinalitan ko na 'yung benda. Gasgas lang naman eh, napahaba lang talaga. Kaya magaling na rin. Masakit pa pero kapag nasasagi o nababangga lang." Sagot ulit nito.

Tumayo naman ako at kinuha ang kurtina saka bumalik doon sa me papag at ikinumot iyon sa kaniya. "Malamig, baka siponin ka."

"Dito ka sa tabi ko. Share tayo para hindi ka din lamigin. Mula kagabi ako lang kunukumotan at inaalagaan mo pero 'yung sarili mo nakakalimutan mo ng alagaan. Ayan, share tayo para hindi ka din lamigin." Nakangiting saad nito saka nagpatuloy na sa pagkain.

Nailing na lang ako saka nagpatuloy na sa pagkain. Napatingin naman ako sa labas pero ang lakas pa rin ng ulan.

"Hindi tayo makakaalis dito hangga't hindi tumitila ang ulan." Saad ko at tumango naman ito.

"Oo nga. Pero ligtas naman tayong dalawa dito eh."

"Hm. Do you have your cellphone with you?" Tanong ko sa kaniya pero napailing lang ito saka napanguso.

"Nawala ata kahapon. Hindi ko alam kung nasaan ko nawala dahil sa takot ko. Ikaw, dala mo ba 'yung cellphone mo?"

"No. I left it in our tent."

Naisipan na naming pumunta sa harapan ng apoy ng lumamig na naman ang hangin. Tapos na rin naman kaming kumain.

Nakadungaw lang kami sa bintana ngayon at nakatingin sa labas. Ang lakas pa rin ng ulan at ganoon rin ng hangin.

"Tingnan mo 'yun oh! Ang daming mangga na nalalaglag." Turo nito sa mga bunga ng mangga na bigla na lang nalaglag matapos hagupitin ng hangin.

"I just noticed. You're happy in little things, huh?" I asked while still looking at the dark sky.

"Oo naman. Kasi ang maliliit na bagay na 'yun ay mahalaga na para sa'kin. Tsaka, maliliit na bagay kaya bumubuo para makagawa ng malalaking bagay, diba?"

"Ang dami mong alam."

"Nag-aaral ako eh."

"Tsh."

"HAHAHA bakit? Totoo naman ah?" Natatawang saad pa nito.

"May sinabi ba ako na hindi?" Tatawa-tawang tanong ko rin sa kaniya.

"Wala pero kung makapagreact ka kasi eh..."

"Pft."

Maya-maya ay natahimik naman ang buo naming paligid. Tanging ingay mula sa labas lang ang naririnig ko pero binasag rin iyon kaagad ng isang tanong.

"Kambal pala kayo ni Nixxon?"

Nagugulat akong napatingin sa kaniya. Paano niya nalaman? Sinabi ni Nixxon? But that stupid hate to say that I'm his twin...

"Nakwento kasi ni Nixxon ng nakaraan sa akin."

Anong nangyari dun? Tss.

"Ano namang kinukwento niya sayo?" Tanong ko habang nasa labas pa rin ang paningin.

"He hates you."

And I expected it.

"Then?" I asked again.

"Kinuwento niya lahat. Pwede ba akong magtanong...kung okay lang?"

"Go ahead."

"Bakit mo ginawa 'yun? Bakit ikaw ang umako sa kasalanan na hindi mo naman talaga ginawa? Pwede mo naman hindi sagotin---"

"That stupid never felt that he's belong to our family. In our parents eyes, they see Nixxon as nothing. Hindi nila pinangarap na magkaanak ng kambal. Sa pamilya namin, dapat isa lang ang pwede mong maging anak. Kaya nung lumabas ako, masaya na sila nun kaso lumabas si Nix. Since that day, they never treat Nix as one of the family. Yes, they gave him all he want but not their love. Sinisisi ako ni Nix dahil feeling niya kasalanan ko kung bakit hindi siya mahal ng parents kasi kinuha ko lahat but in truth, hindi ko 'yun hiningi. I never wanted so much care and attention. Kaya sa mga bagay-bagay ay nagpaparaya na lang ako para sa kaniya. Doon...kahit papaano ay maisip niya na hindi lahat napupunta sa akin. And when that they comes, alam kung kapag hindi ko inako 'yun---"

"Mapupunta sa kaniya lahat ng sisi? Alam niya 'yun." Malungkot na saad niya. "Kaya nga siya nagagalit sayo kasi ginawa mo 'yun. Iniwan mo raw siyang mag-isa..."

"Tsk. Kung hindi ko ginawa 'yun ay sigurado akong patay na siya ngayon. Ang kitid ng utak."

"P-Patay?"

"Knowing Lolo, masyadong siyang galit kay Nixxon dahil nga sa mga mata ni Lolo ay isa siyang pagkakamali. Tapos malalaman na siya rin ang pumatay sa parents namin? Sa tingin mo anong gagawin sa kaniya ni Lolo na dati na lang siyang tinitiis?"

"Bakit ganun? Ang iba masaya kapag may kambal sa pamilya pero sa inyo...iba."

"I didn't even know."

"Eh anong ginawa sayo ng Lolo mo?"

"Nothing, actually. Masyado niya akong mahal eh. Tss. Hindi siya naniniwala na ako ang pumatay at magagawa 'yun. Si Nixxon pa rin ang sinisisi niya kahit inamin ko na. Pero sinabi ko ang totoo na magkasama kami ng mga oras na iyon. Na wala kaming kinalaman sa nangyari. And he found out that I'm saying the truth dahil palagi siyang may pinapadala na tao para manmanan kami. Hindi lang ako nakabalik agad sa gago dahil dinala ako ni Lolo sa ibang bansa. I don't have a choice dahil kapag hindi ko siya sinunod ay pahihirapan niya lalo si Nixxon. And that years na kasama ko siya, kinuha ko 'yung loob niya na pag-aralin si Nixxon. Kasi wala siyang balak gawin 'yun. In the end napapayag ko siya in one condition. Bantayan ko raw ang gago para hindi na makagawa ng gulo. And about the rumors? Masyadong mabilis kumalat ang balita kahit pa walang katotohanan. Kaya binalewala ko na lang kapag naririnig ko. In the first place, hindi naman totoo kaya bakit ako magagalit? Minsan nakakapikon lang talaga."

"Namimis- interpret niya 'yung mga ginawa mo." Nakangusong saad nito na halatang problemado na kaya natawa naman ako.

"Huwag mo ng isipin ang problema namin. Hayaan mo na ang lalaking 'yun. Bahala na siya kung ano man ang iisipin niya."

"Ayaw mo bang magka-ayos kayo?"

"Hindi na mangyayari 'yun. Laki ng galit nun sa'kin eh." Natatawang saad ko naman.

"Ganiyan rin sinabi niya eh."

"Tsh. Edi gaya-gaya siya?"

"Nauna niyang sabihin kaya 'yan." Natatawang saad niya rin.

"Tss. Sinabi ko na 'yan ng one year old pa lang ako."

"Wow, ah?"

"Ayaw mo maniwala?" Tanong ko pa.

"No, let me rephrase it. Hindi ako naniniwala."

Nagkatinginan naman kami sandali saka sabay na natawa.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon