06

1.1K 59 1
                                    

Makaraan ang ilang sandali at unti-unti akong napamulat at nanlaki ang mga mata ng makita sina Terrence at Eocn na binubugbog iyong lalaki. Andito rin ang iba at pinagtatadyakan ang mga umaaway sa amin.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Saber at tinulungan ako. Tumango lang naman ako habang nanginginig dahil sa sobrang kaba na nadarama. "Huwag ka ng matakot. Andito na kami, wala ng mananakit sa'yo." Niyakap ako nito habang hinahagod ang likod para pakalmahin at nakatulong naman iyon.

"Subukan niyo pang magpakita at papatayin na namin kayo, mga gago!" Napatingin naman ako sa kanila at nakita kung tumatakbo na paalis ang mga kalaban habang iniinda ang mga pasa at sugat nila.

"Rin, are you okay?" Napatingin naman ako sa likuran at nakita si Axel na dumudugo ang labi.

"O-Oo. Natakot lang talaga ako."

"Mabuti pa ay pumunta muna tayo sa bahay." Suhestiyon ni Lie na agad ring napaigik at napahawak sa tagiliran nito.

"Ihahatid na namin kayo. Baka balikan pa kayo mamaya ng mga gagong iyon." Saad naman ng iba at hindi na kami ng reklamo at umalis na sa kung saan kami ngayon.

"Bakit pala kayo napunta dito? Diba sa kabila ang daan niyo?" Tanong ko.

"Habang nasa kanto kami kanina bigla naming narinig na babanggaan daw nila kayo kaya dali-dali naman kaming pumunta dito." Napatango-tango naman ako saka nakahinga ng maluwag.

"Tsk. Dapat hindi na nadadamay si Rin dito, eh."

"Huh?" Tanong ko ng marinig na magsalita si Az.

"Personal na kalaban namin ang mga 'yon. Hindi kana dapat nadadamay pa. Tingnan mo, ang dami mo ng mga sugat." Natawa naman ako dahil sa pag-aalala niya.

"Wala 'to. Tsaka kasalanan nila 'yon at hindi sa inyo. Pft. Para kayong mga kuya ko kung mag-alala." Tatawa-tawang saad ko pa. Nalimutan ko na iyong takot na nararamdaman ko kanina.

"Eh bakit, kuya mo naman kami, diba? Parang bunsong kapatid na nga kita, eh. Pareho kayong inosente ng kapatid ko. That's why I like you the first time I saw you." Nakangiting saad ni Wexrel saka ginulo ang buhok ko.

"Alam niyo, laki ng pinagbago niyo HAHAHA. Noon ay palagi niyo na lang akong pinagdidiskitahan ta's ngayon kayo na 'yung nagtatanggol sa akin."

"Kasi akala namin noon pareho ka din sa iba na nagkukunwaring inosente pero hindi naman pala. Nang tumagal ng tumagal ay doon na kami sinampal ng katotohanan na mas inosente kapa kesa sa bata." Tumawa naman sila kaya napakamot naman ako ng ulo.

Nang makarating kami sa bahay nina Lie ay agad naman kaming pinapasok ni Tita na halatang alalang-alala.

"Naku! Nakipag-away na naman ba kayo ulit? At dinamay niyo pa itong si Rin sa kalokohan niyo?" Nakapanewang na tanong ni Tita ng makabalik matapos kumuha ng first aid.

"Hindi po Tita. May umaway lang po sa amin kanina tapos pinagtanggol lang nila ang sarili nila kaya nagkaganiyan." Sagot ko saka tinulungan si tita na gamutin ang mga pasa at sugat ng mga kasama ko.

"Eh, ikaw? Maayos ka lang ba?" Tumango naman ako saka ngumiti at ginamot na ulit ang pasa ni Lie sa gilid ng mata.

"Sana huwag mamaga. Baka pumangit ako." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi 'yan. Guwapo ka pa rin kahit anong mangyari, Kuya Lie." Natatawang sabi ko habang ginagamot ang sugat niya pero agad ring natigil ng nakitang natigilan ito pati na rin ang iba. "Hala! May nasabi ba akong masama?" Alalang tanong ko.

"Wala. Naalala ko lang ang bunsong kapatid ko. Iyon kasi ang palagi niyang sinasabi kapag nakikita niya akong nasa ganitong sitwasyon. Kuya Lie rin ang tawag niya sa akin. You remind me of her." Sagot nito.

"Talaga? Eh, nasaan na siya ngayon?" Interesadong tanong ko.

Ngumiti naman ng bahagya si Lie saka ginulo ang buhok ko. "Patay na siya."

Matapos niyang sabihin iyon ay naging tahimik ang buong lugar. Agad naman akong nagsisi bakit pa sinabi iyon. "S-Sorry. Hindi ko sinasadya." Hingi ko ng paumanhin habang nakababa ang tingin sa mga paa ko.

Pinisil naman nito ang pisngi ko saka nginitian ako. "Don't be sorry, okay? Wala na sa akin 'yon. Tsaka ikaw na ngayon bagong bunso namin. Alam mo, siguradong matutuwa iyon dahil may bagong kaibigan na ulit ang Kuya niya. At sobrang bait pa."

"Oo nga, Rin! Kung gusto mo dito ka na tumira." Saad ni Tita na ikinagulat ko naman.

"Marahil ay nagkita na sa heaven yung kapatid mo tsaka sina Mama at Papa." Nakangiting saad ko habang nakatingin sa mga kamay ko.

"W-Why? Are they dead too?" Gulat na tanong nila kaya tumango naman ako.

"Opo, eh."

"Sino na lang kasama mo ngayon sa buhay?" Tanong ni Tita.

"Si Daddy po, siya po iyong parang umampon sa akin." Sagot ko naman saka nagpatuloy na sa paggagamot ng mga pasa at sugat ni Lie

"Si Mr. Falcon, diba?" Tumango naman agad ako at nagtanong.

"Kilala niyo po siya?"

"Ah, Oo! Business partner ko siya sa isa kung business. Tsaka sikat din siya kaya maraming nakakakilala. Pero hindi siya malapit sa ibang tao, eh. Palaging galit ang isang iyon at palaging sumisigaw. Dati nga hindi talaga ako nito kinakausap kung wala kami sa meeting pero ng---kahapon! Nagtanong siya sa akin kung maayos ka lang raw ba dito. Nagulat ako nun kasi hindi na siya pagalit magsalita."

"Nasabi ko po kasi pangalan niyo sa kaniya, eh." Kamot-kamot ulong saad ko.

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap ni Tita hanggang sa matapos na nga naming gamotin lahat ng sugat at mga pasa.

Nagpaalam na rin ang iba dahil gagawa pa sila ng project din nila kaya naiwan na lang kaming lima kasama si Tita.

Umakyat naman na kaming lima sa taas at si Tita ay nagluluto muna at dadalhan na lang kami mamaya ng makakakain.

"Baka masakit pa katawan niyo? Puwede namang bukas na kang natin gawin 'to tutal ay marami na tayong natapos kahapon. At marami pa naman tayong time, eh."

"Sure ka?" Tanong nila. Nainigurado kung sure na na ako sa sinabi ko.

"Oo naman." Natatawang sagot ko saka naupo sa tabi nila.

Napatingin naman ako sa braso ko at may nakikita akong mga maliliit na sugat pero may gamot naman iyon. Siguro ay magsusuot na lang ako mamaya ng may mahabang manggas na damit para hindi ito makita ni Daddy kung uuwi siya. Pero sabi niya ay baka hindi siya makauwi dahil may tinatapos pa itong trabaho.

Hayyy. Kakapagod naman ang araw na ito.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon