05

1.2K 62 8
                                    

"Goodbye class!" Sigaw ni Sir kaya tumayo naman na kami.

"Goodbye Sir!" Sigaw rin namin pabalik at nag-ayos na ng mga gamit ng umalis na si Sir.

"Tara na." Aya ko sa mga kasama ko dahil gagawa pa kami ng project namin. Lumapit naman sila sa akin at umakbay kaagad sina Az at Lie habang ang dalawa ay nasa magkabilang gilid lang.

Sabay-sabay rin kaming lahat na bumaba ng building namin at kagaya ng dati ay pinagtitinginan na naman kami ng ibang estudyante pero wala namang may pumansin sa kanila.

Nang makalabas na kami ay doon lang kami nagkakahiwa-hiwalay dahil magkaiba iyong mga dadaanan namin.

Mas pinili na lang naming maglakad dahil hindi naman kalayuan ang bahay ni Lie mula sa school.

Habang nasa daan ay bumili ako ulit ng maiinom saka pagkain dahil medyo nagugutom na ako.

"Gusto niyo?" Tanong ko sa kanila saka itinunghay ang tinapay na binili kanina. Marami naman, eh.

"No, thanks. Just eat it para naman lumaki ka." Natawa naman ako sa sinabi nila pero agad ring napatigil nang makita ang mga lalaki na nakaharang sa daan. Napansin din nila siguro iyon  napatingin din sila doon.

"Hindi nga kami nagkamali. Dito nga kayo dumadaan. At kasama niyo pa ang Vip na iyan. What a luck." Nakangising saad ng lalaki na nasa gitna habang nakatingin sa akin.

"Rin, umalis ka na. Bilis!" Biglang sigaw ni Az kaya balak ko naman sanang umalis doon pero agad ring napaatras pabalik ng makitang meron ding mga lalaki sa likuran.

"Saan ka pupunta?" Tatawa-tawang tanong nila kaya napakapit naman ako sa mga kasamahan ko.

"Gago ka talaga, Samuel! Walang kinalaman si Rin dito. Paalisin mo siya." Galit na sigaw ni Lie pero nginisian lang siya ng lalaki.

"Ngayon meron na." Saad nito at bigla na lang sumenyas sa ibang mga lalaki at agad naman ang mga itong sumugod papunta sa amin.

Agad naman akong pinalibotan ng mga kasama ko pero hindi pa rin nawawala ang kaba na nasa dibdib ko ngayon. Mas lalo pa itong lumalakas.

Baka masaktan ang mga kasama ko.

At nang magsimula na silang magrambolan ay wala akong nagawa kung hindi ang tumingin lang. Wala akong magawa dahil wala naman akong alam sa ganito.

"Bitawan niyo ako!" Sigaw ko ng bigla na lang may humawak sa magkabilang kamay ko at kinakaladkad ako papunta doon sa lalaki kanina.

Ang dami nila.

Pero nagulat ako ng bigla na lang tumilapon ang isa at sumunod rin ang isa matapos suntukin ni Axel ang mga iyon. "Are you okay? Are you hurt?" Umiling naman ako kaagad pero habol-habol pa rin ng kaba. Nanlaki naman bigla ang mga mata ko ng makita ang isang lalaki na papasugod. "Sa likod mo!" Sigaw ko at nakita ko naman kung paano umikot si Axel at sinipa ang lalaki sa dibdib.

"Dito ka lang. Magiging ayos din ang lahat." Sinabi niya iyon ng may kasiguraduhan. Pinat pa nito ang ulo ko saka nginitian ako bago umalis para makipaglaban doon sa mga lalaki.

Parang gusto ko namang tumakbo papunta sa kanila ng makitang natamaan si Lie ng suntok sa mukha at ganoon din si Az.

Pero wala naman akong maitutulong kapag pumunta ako doon. Makakasagabal lang ako lalo sa kanila.

Habang patagal ng patagal ay papaunti na ang dami ng kalaban pero kitang-kita ko naman na pagod na ang  mga kasama ko at may mga galos na rin at mga pasa.

"Kaya pa ba?" Tatawa-tawang tanong ng lalaki.

"Gago! Duwag ka pa sa duwag. Hayop ka!" Sigaw sa kaniya ni Az at sumugod pero bigla na lang siyang hinawakan ng dalawang lalaki at iyong lalaki na kanina pa nagsasalita ay lumapit at walang alinlangang sinuntok si Az sa mukha.

Agad na lumapit ang iba para tulungan si Az pero  hinuli lang din sila ng ibang mga lalaki. Nagulat na lang din ako ng may lumapit at basta na lamang akong hinuli.

Nagpupumiglas ako para makatakas pero walang nangyayari. Napakahina ko. Hindi man lang ako makawala sa ganito.

"Tumigil na kayo!" Sigaw ko ng makita na pinagtutulungan nila ang mga kasama ko na ngayon ay dumudugo na ang mga labi.

Pero agad namang bumalik ang kaba ko ng sa akin matuon ang atensiyon ng lalaki na nakangisi na habang papalapit. "Hi. You are Rin, right?" Tanong nito at hinawakan ang baba ko kaya pinilit ko namang ilayo ang mukha ko mula sa kaniya.

"You piece of shit! Bitawan mo si Rin! Papatayin talaga kitang gago ka!" Malakas na sigaw ni Nixxon at nagpupumiglas para makaalis pero sinuntok lang siya ng isa pang lalaki sa tiyan.

"Akalain mo 'yon? May pakialam ka na pala sa iba ngayon, Nix? No, lahat kayo ay alalang-alala talaga sa Vip na ito. Siguro ay dahil mabait siya sa inyo, right? Pero paano kaya kung malaman niya ang sekreto niyong lahat? Sigurado---"

"Tumigil ka na! Makawala lang ako rito, ako mismo ang maglilibing sa'yo!" Sigaw ni Az at malakas na iniwaksi ang kamay ng dalawang lalaki at nakawala nga siya at pinagsusuntok ang mga iyon pero hindi rin iyon nagtagal ng sipain siya ng lalaki sa likod.

"Oh, acting guilty? Totoo naman, diba? Pakitang tao lang ang pinapakita niyo sa kaniya. Ibang-iba ang totoong ugali niyo kapag hindi na siya ang kaharap niyo." Humarap ito sa akin saka tinuro ang mga kasama ko. "Mas masama pa sila kesa sa amin. They're just fooling you from the very start, Rin." Napatingin naman ako sa mga kasama ko at tahimik lang ang nga ito pero ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki at sinamaan siya ng tingin.

"I don't believe you! Kaya puwede ba?! Bitawan niyo na ako!" Malakas na sigaw ko at nagpumiglas ng malakas kaya natamaan ko ang mukha nito dahilan para magalit ito at dakmain ang mukha ko ng malakas.

"Sinusubukan ko na ngang maging mabait sayo pero inuubos mo talaga ang pasensiya ko! Boys, tara! Turuan natin ng leksiyon ang isang 'to." Nagsitawanan naman sila kaagad at kinakaladkad ako papunta sa kung saan dahilan para mabuhay na naman ang matinding kaba sa loob ko.

Naririnig ko pa ang sigaw ng nga kasama ko kaya napatingin naman ako sa kanila pero nagrarambolan pa sila ro'n at pilit na kumakawala sa mga lalaking masasama.

Malakas na itinulak ako ng lalaki sa may pader dahilan para mapaigik naman ako.

"Maging masunurin ka lang at hindi kita sasaktan ng sobra." Bulong nito dahilan para manindig ang balahibo ko at nakaramdam ng pagkadiri.

Malakas ko siyang itinulak dahil sa ginawa niya at napaupo ito sa sahig. "Ikaw!" Malakas at pagalit na sigaw nito at tumayo at balak na sana akong saktan kaya napapikit na lang ako dahil sa matinding takot. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay bibigay na yung tuhod ko. Para akong nahihirapan sa paghinga dahil sa matinding takot na nararamdaman ko ngayon.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon