"Yo, here!" Sigaw ni Nixxon kaya agad ko namang ipinasa sa kaniya ang bola saka tumakbo papalayo ke Az.
"Hindi ka makakatakas sa akin, Rin!" Tinawanan ko lang naman si Az na hinahabol ako.Naglalaro kasi kami ngayon, andito pa rin sa tubig. Pasahan ng bola at dapat hindi maagaw ng kalaban at mapasok iyon sa me bilog sa gilid na ginawa namin kanina.
"Rin!"
Nagulat ako ng biglang ibinato ni Az yung bola sa akin. Agad ko naman iyong itinakbo kahit hindi alam kung saan pupunta.
"Op! Huwag kang lalapit." Banta ko ke Az.
"Wala ka ng mapupuntahan." Tumatawang saad pa nito habang lumalapit ng lumalapit kaya agad naman akong lumangoy palayo habang tumatawa at agad na ipinasa ke Axel iyon ulit.
"HAHAHA. Hindi mo pala ako mahabol, eh." Biro ko pa ke Az na nakanguso naman.
"Pinagbigyan lang kaya kita."
"Bakit mo naman ako pinagbigyan? Matatalo kayo kapag pinagbigyan mo'ko lagi." Tatawa-tawang sabi ko pa.
"Hmph! Hindi na kita pagbibigyan." Sabi nito habang nakatalikod kaya hindi niya nakita na ibinato na sa gawi namin ang bola kaya agad ko naman siyang sinugod. "A-Anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong pa nito.
"Kinukuha ang bola." Sagot ko saka lumangoy na naman palayo at agad na dumeritso sa me bilog na dapat paglagyan ng bola. Huli na sila na makahabol dahil naipasok ko na iyon.
"Five - Three!" Sigaw ni Las na siyang scorer namin.
Kami yung five tapos sina Az yung three.
"Kainis naman. Huwag mo kasi akong i-distract, Rin. Natatalo na tuloy kami." Paninisi niya pa na ikinatawa ko na lang.
"Hindi naman, eh. Ikaw lang talaga 'tong kung saan-saan napupunta yung isip. Nagde-day dream ka ata ngayon-ngayon lang, eh." Tumatawang pagbibiro ko pa sa kaniya.
"H-Hindi, ah! Ikaw kasi. Bigla ka na lang lumapit kaya akala ko kung a-ano na, 'yon pala kukunin mo lang ang---aish! Babawi talaga ako." Ayon at tumalikod ito na parang bata na mahaba ang nguso.
Nagsimula na ulit ang laban namin at nasa ke Nikki 'yung bola at nakabantay sa kaniya si Wexrel. Ipinasa niya ang bola ke Az bigla kaya binantayan ko naman ito at natawa dahil masama ang tingin nito at parang hindi na makita ang mata.
Pero nawili na naman siya kakasama sa akin ng tingin kaya nasundot ni Nixxon iyon mula sa likod at agad ko namang kinuha.
"Putanginaaaaaa!" Sigaw ni Az kaya tumatawang tumakbo naman ako saka ishinoot ang bola doon sa me bilog.
"Inaantok ka pa ba?! Kanina ka pa, ah?" Singhal sa kaniya ni Lie kaya napanguso na naman ito saka sinamaan na naman ako ng tingin dahilan para matawa ako lalo.
Ang cute niya kasi. Nakakunot nag noo at halos hindi na makita ang mata habang masamang nakatingin at nakabusangot pa.
"Six - Three!" Sigaw ulit ni Las at ibinato ke Wexrel iyong bola.
"Hindi na talaga kita pagbibigyan. Hindi na talaga. Joke pa lang 'yon---"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Basta na lang akong lumangoy papunta sa pinagtalbogan ng bola saka kinuha iyon at ishinoot na naman.
"Yawaaaaaa!" Sigaw na naman ni Az kaya napahawak na ako sa tiyan ko habang tawa ng tawa.
Kanina pa kasi siya ganiyan eh. Parang lutang ba.
"Napapano ka ba kasi?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit sa kaniya. At ayon na naman ang masama niyang tingin. Gusto ko na naman tuloy tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko at idinaan ko na lang sa tingin.
"Huwag mo kasi ako i-distract!" Pagmamaktol nito kaya napatawa na ako ng malakas habang napahawak sa tiyan.
"Si--HAHAHA sino ba kasi yung HAHAHAHA nagdidistract sa'yo? Wala naman kasi akong ginagawa sayo." Halos sumakit na ang tiyan ko kakatawa sa kaniya.
"A-Anong wala?! Meron, Meron! Ikaw, Ikaw!"
"Gago, sinasapian ka ba?" Bigla siyang binatukan ni Lie kaya napahawak naman siya sa batok niya at napanguso na naman.
"Bakit mo ginawa 'yon? Akala ko ba friends tayo?"
"Paulit-ulit ka na, eh. Napapano ka ba? Tama si Rin, wala naman siyang ginagawa sa'yo, eh. Ikaw 'tong parang naka-shabu na bigla na lang tutulala saka sisigaw. Sinasapian ka ba?"
"H-Hindi."
"Gutom lang 'yan! Tara na at kumain, tanghali na." Biglang sigaw ni Sir na natatawa rin kay Az.
"Pati ikaw ba naman Sir?"
"Kasi tama sila. Tumutulala ka na lang bigla saka sisigaw. Iba na 'yan Az. HAHAHAHA." Pagbibiro din sa kaniya ni Sir.
Bigla itong umahon sa tubig at tumakbo papunta sa kung saan kaya nailing na lang kami saka natawa.
"Nangyari ro'n?" Tanong ko pa.
"May problema siguro?" Tanong ni Nikki.
"Eh kanina parang wala naman, ah?" Tanong ko naman pabalik saka napabuntong-hininga. "Kakausapin ko na lang mamaya."
Iyon lang at dumeritso na kami sa me gilid sa may malaking puno dahil doon prenepare nila Sir ang mga pagkain.
Kumuha naman ako doon ng pagkain saka dumeritso na papunta sa gawi ng iba at naupo sa me ugat ng puno. Tumabi naman si Nikki sa akin kaya sabay na kaming kumain.
"Anong nangyari kaya sa ugok na 'yon? Okay pa siya kanina, ah? Binantayan ka lang nagkaganon na. Ano bang nangyari?" Tanong ni Nixxon.
"Ewan ko nga, eh. Natatawa na nga lang ako sa kaniya kasi sinasabi niyang babawi pero kapag inaagaw o andoon na ang bola sa amin ay bigla na lang siyang matutulala at sisigaw ng mga mura. Ewan ko rin ba sa isang 'yon." Sagot ko naman saka sumubo na ng pagkain ko.
Nagulat kaming lahat ng biglang lumabas mula sa gubat si Az na pinag-uusapan pa namin. Hawak-hawak nito ang gilid at may mga pasa ang mukha.
"Anong nangyari sa'yo?" Gulat na tanong ko habang tinutulungan siyang tumayo at doon lang nakita na madami talaga ang pasa at sugat niya.
Pinaupo muna siya namin sa ilalim ng puno at tinawag naman ni Nikki ang mga nakakatandang kasama namin.
Makaraan lang ang ilang sandali ay dumating na si Sir na halata ang pag-alala sa mukha. "Anong nangyari sa'yo, Az?"
Napaigik pa muna ito bago tuluyang maibuka ang bibig para magsalita. At agad kaming nagulat lahat ng marinig ang sinabi nito.
"Andito si Dame..."
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]
AcciónPhoenix had already fallen head over heels for Rin, ready to move mountains for the child. Even his family adored Rin, embracing him wholeheartedly. Then there was Axel, the icy demeanor masking a secret affection for Rin. Despite his cold facade, A...