"Baka ginawa niya 'yon kasi ayaw ka niyang masaktan, diba?" Tanong pa ni Rin.
"Kaya siya na lang? Edi siya na mabait. Parang ipinapamukha niya na wala akong kuwentang tao, eh."
"H-Hindi naman ata sa ganun 'yon..."
"Pero nagiging gano'n 'yon sa akin. Tsk. Tapos nung nakaraan ay nalaman nila kung sino talaga ang pumatay sa pamilya namin. Pero hindi pa rin sila tumigil sa pagtawag sa kaniya ng mamamatay tao pero si gago parang wala lang sa kaniya."
"Sino raw ang pumatay?"
"Our own driver. Nagkainitan raw kasi sila ng parents namin ng araw na 'yon at nandilim daw ang paningin ng piste kaya ayon at pinagpapapatay ang pamilya namin. Nakonsensiya raw kasi siya kaya sumuko at umamin na siya. Gago pala siya, eh. Bakit hindi siya umamin ng panahon na kailangang-kailangan." Galit na singhal ko.
"Edi nalinis na ang pangalan ni Axel?"
"No. Akala kasi ng iba ay binayaran niya lang raw yung lalaki para pagtakpan siya."
"Ano ba 'yan? Nakakainis naman."
"Hm. Tara na? Nasira ko na ata ang mood, eh." Pinakalma ko na yung sarili ko saka tumayo na saka napabuntong-hininga.
"Magiging ayos rin kayo." Biglang saad nito at tinapik pa ang likod ko saka nginitian ako ng matamis.
"I know he hates me..."
"Hindi ka niya ililigtas kung galit siya sayo. Tsaka hindi niyo lang nahahalata pero ngayon parang ayos na nga kayo eh. Sorry nga pala about doon sa pamilya niyo, ah? Masyado kasi akong matanong eh." Nakangusong saad nito at halatang nagui-guilty.
"Don't worry about it. At kung magkakabati kami? Siguro, pero ngayon..."
Mukhang magiging kaagaw ko na naman siya...
"Bakit?"
"Nothing. Let's go." Pag-iiba ko sa topic saka nagsimula na ulit na maglakad.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya.
"Malalaman mo rin. Malapit na tayo ro'n." Sagot ko at tinulungan siya sa paglalakad. Para kasing bata. Nakanguso pa. Tss.
"Salamat."
"Why you're so innocent pa rin, no?"
"Huh? Hindi, ah. Kayo lang nagsasabi niyan, eh." Nakangusong saad naman nito kaya natawa na lang ako saka napailing.
"Nevermind." Naisagot ko na lang at nagpatuloy na sa paglalakad. Ito naman ay nakasunod sa akin habang nagpalinga-linga sa paligid.
"Nix, may tanong ako." Bigla ay saad nito at lumapit sa akin at humawak pa sa braso ko dahilan para mapatingin naman ako sa kaniya ulit.
"Hm?"
"Wala ka na ba talagang gusto kay Nikki?" Inosenteng tanong nito.
Napabuntong-hininga naman ako at kinurot ang pisngi niya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. "We're just friends. I have someone that I like." Sagot ko.
"Sino naman? Nasa kaklase ba natin? Nasa ibang school? Si Fux?"
"What the---Fux?! Really? Baliw ang babaeng 'yon!" Sigaw ko bigla. Marinig ko pa lang ang pangalan ng babaeng 'yon ay naiinis na ako. Tsk.
"Malay ko ba. Baka gusto mo siya, eh. Alam mo... mabait 'yon tsaka matagal ng may gusto 'yon sa'yo." Nakangiting saad pa nito.
Pero ikaw ang gusto ko. Dammit!
"Hinding-hindi ako magkakagusto sa baliw na babaeng 'yon. Tsk!" Sagot ko at napakunot ang noo ng maalala ang mukha niya.
Dammit!
Naalala ko dati ang pangungulit niya. Araw-araw pumupunta ng room namin para lang bigyan ako ng lollipop.
Aanhin ko ang lollipop?! Kingina.
"But maybe you can give her a chance. Kasi kapag nagkikita kaming dalawa ikaw lang lagi ang bukang bibig niya. Tinatanong ka niya lagi sa akin kapag pinupuntahan niya ako dito. Ang saya-saya lagi ng mukha niya kapag kinukwenta niya ang kabataan niyong dalawa. Tsaka maganda naman si Fux eh. Matalino... oo din siguro. Mayaman---sobrang yaman pa. Tsaka ikaw lang gusto. Saan ka pa hahanap nun."
"But... I don't like her." Naisagot ko na lang. Nakita ko naman itong ngumuso.
"Ang sabi ko... Give her a chance, Nixxon. Hindi kita pinipilit na gustihin siya. Ikaw ang magdedesisyon kasi nun. Pero mga bata pa naman tayo eh. Baka naguguluhan ka lang sa ngayon pero balang araw malalaman mo rin kung sino ang totoong gusto mo." Nakangiting saad nito na para bang may ibang ibig iparating ang sinabi niya.
Pero agad rin akong napatigil sa pag-iisip ng makitang nakarating na kami sa lugar na sinasabi ko. Kahit nakita ko na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mapahanga.
"Rin, where here." Nakangiting saad ko. Nakita ko namang inilibot nito ang paningin sa buong lugar at doon lumabas ang paghanga sa mga mata niya. Ang sarap niyong titigan. Naaaliw akong tingnan siya habang naglalakad at namamanghang tinunghayan ang lugar.
Nakita ko ito dati sa internet nang magresearch ako ng mga puwedeng puntahang lugar kapag nakarating dito. At isa ito doon pati na rin iyong ibang napuntahan na rin namin.
Binago mo'ko...
Binalik mo ang dating Nixxon na ibinaon ko na sa limot. Lahat ng mga nararamdaman ko ay isa-isang bumabalik sa katawan ko.
Ganoon ka kahalaga sa buhay ko. Ikaw ang nagbago sa'kin, Rin.
Salamat...
Sana puwedeng ako na lang ang laman ng puso mo...
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]
ActionPhoenix had already fallen head over heels for Rin, ready to move mountains for the child. Even his family adored Rin, embracing him wholeheartedly. Then there was Axel, the icy demeanor masking a secret affection for Rin. Despite his cold facade, A...