53

664 37 3
                                    

"Oy, samahan mo naman ako dun sa me gubat." Pangungulit ko ke Axel.

"Anong gagawin natin dun?"

"Maghahanap ako ng signal. Mabilis lang tayo, may tatawagan lang ako. Sige na."

"Ang kulit mo."

"Sige na kasi."

"Tsk. Mabilis lang tayo dun, got it?"

"Oo! Tara na."

"Rin, sasama ako! May tatawagan din ako."

Napatingin naman kami sa sumigaw at si Nikki pala. Hawak-hawak rin ang cellphone.

"Sige. Tara." Nakangiting saad ko saka nagsimula ng maglakad habang tinitingnan kung kay signal pero wala talaga.

"Nang nakaraan parang may signal naman dito. Bakit ngayon ay wala na. Hayy." Napabuntong-hininga na lang ako saka nagpatuloy sa paghahanap.

Tinataas ko na't lahat 'yung cellphone ko pero wala pa rin talaga signal. Isang bar lang ang lumalabas at namamatay rin kinalaunan. Hindi ako makakatext o makakatawag kapag ganoon.

"Ano ba 'yan! Nakakainis, wala pa rin." Rinig kung saad ni Nikki mula sa me likuran kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at palayo ng palayo ay nagkakaroon na nga ng signal kaya nagpatuloy lang kami ng nagpatuloy.

Pero bigla na lang sumigaw si Nikki dahilan para matigilan ako at nanlaki ang mga mata ko ng makitang dumudugo ang paa niya.

"Anong nangyari?"

"Bigla may sumabit sa paa ko eh. Parang matalim na--aray!" Lumapit naman kami sa kaniya at agad na tiningnan kung ano ang nakasugat sa paa niya at nakita ko 'yung parang baging na may mga tinik. Maliit lang iyon kaya siguro hindi niya napansin.

"Mabuti pa bumalik na tayo doon sa camp site. Kailangang magamot si Nikki." Saad ni Axel.

"Bumalik na kayong dalawa. Dito na muna ako. Maghahanap lang ako ng signal." Sagot ko naman.

"Okay, babalikan na lang kita dito kapag nadala ko na si Nikki doon." Tumango naman ako.

"Ingat kayo." Sabi ko.

Tinulungan namang maglakad ni Axel si Nikki na paika-ika. Hindi naman malalim iyon pero mahaba at dumudugo iyon.

Tiningnan ko pa sila sandali at nakita ko pang nilingon ako ni Axel pero tumango lang ako. Nang hindi na sila nakita ay nagpatuloy na ako sa paghahanap ng signal.

"Kahit kaunting signal lang para makapagsend ako ng message oh." Bulong ko pa habang naglalakad at sinusundan ang maliit na signal.

Lakad lang ako ng lakad habang itinataas ang cellphone at nagbabasakaling tumaas ang signal at ganoon nga ang ginawa ko pero patagal ng patagal ay nakita kung parang dumilim ang langit.

"Wala namang sinabing uulan, ah?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa langit.

At ang ganda-ganda ng langit kanina pag-alis namin. Walang bakas na uulan.

Napabuntong-hininga na lang ako saka naisipan ng bumalik kaya tumalikod na ako pero napatigil sa paghakbang at napatingin sa paligid. "Saan nga ako dumaan kanina?" Tanong ko habang tinitingnan ang pwedeng daanan ko.

Nabusy kasi ako kakatingin sa cellphone ko.

Naisipan ko na lang na deritsohin ang daan na dinadaanan ko at nagpatuloy lang sa paglalakad pero habang tumatagal ay parang napapansin ko na umiikot lang ako.

Hindi kasi tumitingin sa daan Rin!

Relax lang. Relax. Relax.

"Axel?" Sigaw ko dahil baka nasa paligid na si Axel dahil matagal na simula ng umalis silang dalawa kanina.

Pero walang sumagot kaya napahigpit na ang kapit ko sa cellphone ko at napatingala sa langit ng biglang may basang bagay ang tumama sa balat ko.

Umuulan!

Napatakbo na ako dahil sa takot. "Axel?" Sigaw ko habang tumatakbo. Bumuhos ang malakas na ulan kaya mas lalo akong kinabahan dahil unti-unti kung hindi nakikita ang daan. 

Sigaw lang ako ng sigaw habang palinga-linga dahil baka nasa paligid lang siya pero malakas na kidlat lang ang sumagot sa akin dahilan para manginig ako at magtatakbo sa kung saan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero bigla kung naalala si Daddy.

"Hintayin mo'ko diyan, pupuntahan kita. Pwede ding...isigaw
mo lang ang pangalan ko, dadating agad ako."

"Daddy! Pumunta ka na po dito. Natatakot po ako..."

Naiiyak na ako dahil sa takot at napatakip sa tenga ko ng biglang kumidlat.

Hinintay ko na merong dumating pero sa huli ay umasa lang ako. Walang Daddy na dumating.

"Daddy!" Sigaw ko pa ulit at umaasang dumating siya pero wala talaga.

Kailangan kung makaalis dito. Kailangan kung makabalik sa camp site namin. Lumalakas lalo ang ulan.

Tumakbo na naman ako ulit at dahil hindi saulo ang lugar ay napupunta lang rin ako sa hindi ko malamang lugar.

"Daddy!" Pagtawag ko pa sa kaniya pero wala talagang dumating. Walang Pheonix na dumating.

Naiiyak na ako dahil sa takot at panghihinayang.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naliligaw na ako dito sa gubat.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka  naglakad ulit. Pero hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Isang maling hakbang at bigla na lang akong nahulog sa bangin. Nagpapasalamat ako at may nakapitan ang kamay ko na ugat dahilan para hindi ako mahulog.

Naiiyak na ako at nagsusumigaw. Nagsisimula ng akong makaramdam ng lamig dahil basang-basa na ako at patuloy pang nababasa ng ulan. Isang maling galaw ko lang dito ngayon ay mahuhulog ako.

"Daddy....tulungan mo'ko." Pagmamakaawa ko habang umiiyak.

Umaasang dumating siya ngayon para iligtas ako. Umaasang andito siya ngayon papunta sa kung saan ako. Umaasa sa pangako niya.

Sigaw lang ako ng sigaw kahit nagsisimula na akong mamaos. Wala na akong pakialam. Gusto ko ng makaalis dito ngayon.

"Rin!"

Isang pamilyar na sigaw dahilan para matigilan ako sa pag-iyak at napatingala sa taas...

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon