"Alis na po ako." Saad ko saka isinabit na ang bag ko sa balikat ko.
"Ihahatid na kita." Biglang habol ni Daddy sa akin pero ngumiti lang ako saka umiling.
"Hindi na po. Diba may meeting ka pa?" Nakangiting tanong ko sa kaniya napatigil naman siya. Kinuha ko naman ang kamay niya sa braso ko.
"Ihahatid na kita tapos dederitso na ako sa kompaniya. Mabilis---"
"Huwag na po. Abala pa po 'yon eh. Kaya ko naman po." Nakangiting saad ko pa. "Alis na po ako."
"Rin, wait." Napatigil na naman ako sa paglalakad at napatingin sa kaniya.
"Ano po 'yon?" Tanong ko.
"May problema ba tayo?"
Nagtaka naman ako dahil sa tanong niya. "Sa pagkakatanda ko po ay wala naman. Bakit po? May problema po ba tayo?" Inosenteng tanong ko.
"No, nothing---"
"Ayon naman po pala eh. Alis na po, baka malate pa po ako." Kinuha ko naman ulit ang kamay niya na nasa braso ko saka tumalikod na at hindi na lumingon pa.
Pumara na ako ng taxi saka sumakay at biglang napatingin sa gate at nakita doon si Daddy. "Take care." Sigaw pa nito pero ngitian ko lang siya saka tumingin na sa harapan at hindi na ulit siya nilingon.
Napabuntong-hininga na lang ako at kasabay nun ay nawala na rin ang matamis na ngiti sa labi ko.
Mas mabuti na rin siguro 'to.
Siguro masyadong pagod si Daddy sa trabaho tapos nadadagdagan ko pa. Na-realize ko iyon ng ilang araw na ang nakalipas. Kaya siguro ganoon siya dahil nagiging pabigat na ako.
Kaya kahit papaano ay ayaw ko ng makadagdag. Ayaw ko ng dagdagan ang problema niya lalo pa ngayon.
Nang makarating sa school ay agad na akong naglakad papasok sa loob. Deri-deritso lang ako kaya hindi ko namalayan na may tumatawag na pala sa akin.
"Are you okay? I've been calling you for five times already." Kunot-noong saad ni Axel kaya nagpilit naman ako ng ngiti saka tumango.
"Oo naman. Ayos lang ako."
"Are you sure?"
"Oo nga. Kulit mo naman." Natatawang saad ko saka naglakad na.
"How's your headache? Maayos na ba?" Tanong niya.
Kahapon kasi ang sakit ng sakit ang ulo ko pero hindi na ako nagpadala sa clinic dahil nawala rin naman kaagad. Kaya ininda ko na lang. Hindi ko na rin sinabi kina Kuya kasi alam kung sasabihin nila iyon kay Daddy. At hindi ko rin sinabi kay daddy dahil tiyak na mag-aalala na naman siya at mapupunta na naman sa akin ang oras at atensiyon na dapat ay sa trabaho niya.
"Medyo sumasakit pa pero ayos naman ako. Nakapasok na nga ako eh." Biro ko pa pero seryuso niya lang akong tiningnan.
"Nakainom ka na ba ng gamot?" Tanong niya pa dahilan para ngumiti naman ako saka tumango.
"Pasok na tayo. Baka malate tayo---"
"Pupunta tayo sa clinic." Seryusong saad niya pa at hinawakan ako sa kamay.
"Pero ayos lang naman---"
"You're lying. Tara na at huwag na matigas ang ulo." Napanguso naman ako at wala ng nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.
"Bakit hindi ka uminom ng gamot, ah? Acting tough?"
"Hindi, ah! Nakalimutan ko lang talaga." Sagot ko naman.
"Hindi mo inaalagaan ang sarili mo."
"Ngayon lang naman ako hindi nakainom eh."
"Reasons."
Nang makarating ay agad na kaming humingi ng gamot saka ininom iyon saka naglakad na papunta sa room namin.
"And how about your wound?"
"Naalala mo pa 'yon?" Tatawa-tawang tanong ko pero napanguso rin ng makitang ang seryuso niyan. "Ayos na. Magaling na. Ito oh." Pakita ko pa sa kaniya ng sugat ko sa may daliri na may band-aid.
"Akala ko nakalimutan mo rin eh."
"Hindi, ah."
"Hindi ba 'yan nakita ng daddy mo at hindi dito?" Tanong niya.
Nasugatan kasi ako ng nakaraan nung gumawa kami ng flags at aksidente akong nadaplisan ni Az ng cutter niya sa daliri ng nagputol kami ng kahoy. Medyo maliit lang naman iyon.
"Hindi ko sinabi sa kaniya. Mag-aalala lang 'yon kapag sinabi ko." Sagot ko naman. "Pasok na tayo baka andoon na si Sir." Saad ko saka hinila na siya papasok at hindi nga ako nagkamali dahil andoon na nga siya sa harap.
"Saan kayo nanggaling na dalawa?" Tanong ni Sir.
"Sa clinic, Sir. Humingi ng gamot para kay Rin." Sagot ni Axel.
"Ganon ba? Sige, maupo na kayo at makinig." Tumango naman kami saka naglakad na papunta sa upuan namin.
"Hindi pa rin ba ayos ang pakiramdaman mo?" Tanong ni Nixxon ng makaupo kami.
"Medyo ayos naman na. Nakalimotan ko lang uminom sa bahay ng gamot. Kaya dinala ako ni Axel doon sa clinic." Sagot ko naman.
"How about your wound?"
"Okay na rin." Sagot ko naman.
Senenyasan ko na sila na making na pero nailing na lang ako ng mahiga na naman sila sa braso nila. Gawain na talaga nila iyon.
Maya-maya ay naramdaman ko namang nagvibrate 'yung cellphone na nasa bulsa ng pants ko kaya tiningnan ko kung ano pero ng makitang si Daddy ang tumatawag ay agad ko ng pinatay ang cellphone ko para hindi na siya makatawag pa.
May meeting siya ngayon at maaabala na naman siya mamaya kapag sinagot ko pa. Hindi naman siguro importante ang sasabihin niya eh.
Ibinalik ko na lang ulit iyon sa bulsa ko at nakinig na ulit sa mga sinasabi ng teacher sa harapan.
Napatingin naman ako sa tenga ni Nixxon at napangiti ng makita 'yung ibinigay ko sa kaniyang hikaw. Suot-suot niya pa rin.
Sinilip ko naman ang kamay ni Axel at nakita din doon ang bracelet na ibinigay ko sa kaniya. Kulay chocolate iyon na may letter sa bawat box na bumubuo sa bracelet. At nabuo ang pangalan niya sa mga letters na andoon at nakaukit. Pinasadya ko iyon dahil libre lang naman daw yung pag-uukit ng pangalan kapag binili ang bracelet.
"It suits me." Napataas naman ako ng tingin sa kaniya at nakita siyang nakangiti.
"Oo nga eh." Pabulong na sagot ko naman.
****
Awishe micdrop! HAHAHAH second ud for today. Happy reading ba? HAHAHA.
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]
ActionPhoenix had already fallen head over heels for Rin, ready to move mountains for the child. Even his family adored Rin, embracing him wholeheartedly. Then there was Axel, the icy demeanor masking a secret affection for Rin. Despite his cold facade, A...