Prologue

18.6K 240 3
                                    

Alvin Wyeth Santillan

"Welcome sir! Sana makapili kayo ng magandang art piece na bibilhin niyo. Sigurado po akong marami po kayong matutulungan sa foundation namin."

Tumango lang ako. Yun naman talaga ang pakay ng pagpunta ko sa lugar na to. Ang makabili ng artwork na babagay sa opisina ko. Minabuti ko lang na dito sa gallery na to pumunta dahil alam kong sa foundation napupunta ang ilan sa mga kinikita nila sa exhibit na to.

Tumingin-tingin ako sa mga larawan. Dito mo makikita na iba ang pananaw ng tao sa mundo. Lahat may sari-sariling paraan ng pagpapakita ng kung anong nasasaloobin niya.

Kagaya ng artwork na nasa harapan ko ngayon. Makulay ang artwork pero nararamdaman kong malungkot ang taong gumawa ng artwork na ito. Marami ngang kulay pero puro dark ang shades na ginamit niya. Malamang may problema ang taong ito o may pinagdadaanan ito noong mga panahong ginawa niya ang artwork na ito.

Kagaya lang ng nararamdaman ko ngayon. Nakangiti pero sa loob ko, pakiramdam ko may kulang. May malaking parte ng pagkatao ko ang nawawala.

Tumingin-tingin pa ako sa mga artworks na nakadisplay doon ng maagaw ng isang painting ang paningin ko. Isang kahoy na tulay ang nasa painting. Kahali-halina tignan ang painting lalo na dahil ang background nito ay isang open field.

First Love, Last Love

Yan ang nakalagay na pangalan ng painting. Bakit kaya first love, last love ang naisip na ipangalan ng pintor nito sa artwork niya?

Alam ko kung saan ang lugar na iyon. Isa iyong malawak na garden sa isa sa mga pagmamay-ari na hotel ng pamilya namin. Sa Hardin De Amor ang tulay na iyon. Ang isa sa private hotels na tanging mga VIP lang ang maaring magstay at nakakaalam.

"Excuse me, magkano tong art piece na to?" I asked the man who's been following me since I entered the gallery.

"Nako sir. Hindi na po kasi available yan. Sa katunayan nga po, pinapapull-out na po yan ni Ms. Faelnar. Balak na po naming alisin yan sa mga displays mamaya pagkasara ng gallery."

Nang marinig ko ang apelyidong yun, natigilan ako. Muli kong itinapon ang paningin ko sa painting na nasa harap ko.

First love ... last love ...

All of a sudden, I realized why she entitled this piece as First Love, Last Love.






A/N: SOON. :) Alvin and Eula's vid on the multimedia. =)


Add/Follow me on my official accounts:

Facebook: Zynxie Yumi Wattpad (https://www.facebook.com/zynxieyumi)

Twitter: zynxieyumiWP (https://twitter.com/zynxieyumiWP)

Instagram: zynxieyumi (https://instagram.com/zynxieyumi/)

Facebook Group: Gangster Bosses (https://www.facebook.com/groups/gangsterbosses/)



Other story

Unbreakable: https://www.wattpad.com/story/30652017-unbreakable-vicerylle


First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon