Chapter 18

6.8K 148 4
                                    

Eula's POV

Maaga akong nagising ngayon at papasok sa opisina. Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat sa pag-aalaga ni Wyeth at sa pamimilit na lumabas ako ng penthouse ni Wyeth.

Tinext ko na lang si Wyeth na huwag na akong sunduin sa bahay dahil maaga akong pumasok. Kadalasan kasi kapag ganitong oras, tulog pa si Wyeth kaya mas minabuti ko ng huwag distorbohin ang tulog niya.

Dahil maaga pa naman, mabilis lang akong nakarating sa opisina. Dumiretso ako sa office ko at chineck ang mga bagay na kailangan kong pag-aralan at basahin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng magring ang phone ko. Nang makita kong si Wyeth ang tumatawag, agad kong sinagot iyon.

"Good morning love!" Masiglang bati ko sa kanya.

"I love you." Napangiti ako sa sinagot niya.

Tuwing umaga, sinasabi at pinapaalala niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

"I love you too."

"Pero nagtatampo ako. Bakit hindi mo ko tinawagan? Sana ginising mo ko ng maaga kung papasok ka pala ng maaga." Naiimagine kong nakanguso si Wyeth habang sinasabi yun. "Okey na ba ang pakiramdam mo?"

"Yes sir. Okey pa sa alright! I didn't woke you up dahil alam kong pagod ka rin at kailangan mo ng mas mahabang pahinga."

"Yeah. Papasok na ako. Kumain ka na ba ng breakfast?" Napangiwi ako sa tanong niya.

"Not yet."

"God Eula! You've been in the office since six am and you haven't had your breakfast? It's almost ten in the morning!" Napangiwi ako sa panenermon niya sa akin.

Alam ni Wyeth na hindi ako mahilig kumain ng almusal kaya sa tuwing sinusundo niya ako, dumadaan muna kami sa fastfood o sa kahit na anong restaurant para lang makakain ako ng almusal.

"I know. I know. Just bring me foods. Sabay na lang tayong magbreakfast dito." I told him para matahimik na siya.

"Good. Mabuti naman at gusto mo kong makasabay sa pagkain. I'll really make you eat hard Eula. Alam mong ayoko na ayokong nalilipasan ka ng gutom." He scolded me again.

Package talagang maging boyfriend si Wyeth. Lahat na ng roles, ginagawa niya. Nurse, tatay, kapatid, bestfriend, driver, personal guard, tagalinis at marami pang iba.

"I know. Mag-iingat ka sa pagpunta dito. I love you."

"I love you more."

Binaba ko na ang tawag niya at ipinagpatuloy ang trabahong ginagawa ko kanina.

Six long months. We've been together for six months at so far, wala kaming pinag-awayan ng matindi. I guess that's how it goes when you totally understood each other and foundation ng relationship niyo ang friendship.

We're friends before we became lovers. It's a good start knowing that we're totally strangers turned into friends. It would be weird if we became lovers first before we became friends.

"Oh! Good morning Mam Eula." Bati ni Elsa. She's my secretary.

"Oh Elsa. Good morning." Nakangiting bati ko sa kanya but I sensed that there is something wrong from the way she smiles. "What is it Elsa?"

"Eh mam, totoo po ba yung chismis?" Parang nag-aalangang tanong ni Elsa.

"Anong chismis?"

"Na may relasyon daw po kayo ni Sir Wyeth."

Oh gosh! "Saan mo narinig yan?"

"Sa mga department heads po. Noong nahimatay daw po kasi kayo noong isang araw, tinawag po kayong love ni Sir Wyeth." Elsa

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon