Chapter 10

6.7K 163 4
                                    

Eula's POV

"Ano bang nangyari anak at nawalan ng malay yang si Wyeth? Baka naman sinakal mo yan!" Kastigo ni Tatay sa akin habang pinupunasan ni nanay ng basang bimpo si oppa.

"Hinimatay tay noong nakita yung kagandahan ko." Sagot ko kay tatay dahilan para titigan niya ako na para bang may sakit ako o kung ano pa man.

"Nak, wag ka masyadong feeling at assuming. Baka masaktan ka." Paalala ni Nanay.

"Wow naman nay! May hugot factor lang? Haha. Pero seryoso nay, bigla na lang yang bumagsak sa banyo pagkatapos sumuka." Paliwanag ko.

"Kanina rin pagkadating niya namumutla na siya. Tawagan mo na kaya ang pamilya niya anak para masundo na siya at mapauwi sa kanila. Mukhang kailangan ng magpahinga ng batang to. Halatang pagod na pagod oh." Litanya ni nanay habang pinupunasan ng bimpo sa mukha si oppa.

"Okey." Ipapasok ko sana sa bulsa ng pantalon niya ang kamay ko ng matigilan ako dahil hinampas ng malakas ng tatay ko ang kamay ko. "Ah! Tay naman! Ang sakit ah!"

"Ikaw na bata ka! Anong balak mong gawin?" Galit na tanong ni tatay.

"Kukunin yung telepono niya sa bulsa niya. Walang load ang phone ko. Dahil mayaman to, malamang naka-open line to. Tsaka wala akong number ng kahit na sino sa pamilya niya."

"Eh bakit ikaw ang kukuha? Pasimpleng tsansing ka din nak no? Para-paraan lang din." Hinampas ulit ni tatay ang kamay ko ng ipapasok ko sana ulit yung kamay ko sa bulsa niya. "Ako na. Mamaya kung ano pang hawakan mo diyan imbes na yung cellphone. Tandaan mo Eula hindi mo pwedeng hawakan yun hanggat hindi kayo kasal." Sermon ni Tatay saka ipinasok ang kamay niya sa bulsa ng pantalon ni oppa para kunin yung cellphone.

"Eu-Eula ..." Nakakunot ang noong banggit ni Oppa sa pangalan ko. Malala na talaga si oppa. Nagdedeliryo na.

"Malala na tama ng batang to." Iiling-iling na sabi ni nanay saka ako hinatak at kinurot sa tagiliran. "Ikaw kasi. Ang dami mong arte. Pakipot ka pa."

"Ah! ... Ah! Aray naman nay!" Pilit kong inaalis yung kamay niyang nagpupumilit sa pagkurot sa tagiliran ko. "Sino ba talagang anak mo? Si Wyeth o ako? Bakit parang mas kinakampihan mo si Wyeth?"

Hinampas naman niya ang braso ko. "Hindi ko siya kinakampihan. Naawa lang ako sa batang to kasi ang tindi ng effort na pinapakita niya sayo magkabati lang kayo tapos ikaw, pakipot ka pa. Ayan tuloy, nagkasakit na."

"Ako ang virus? Ako ang nagbigay ng flu virus sa kanya? Bakit ako ang sinisisi niyo?" Nakangusong palag ko.

Lalo nila akong kinokonsensiya. Nakokonsensiya na nga akong may sakit na siya tapos pumunta pa siya dito para lang magsorry tapos isisisi pa nila sa akin na ako ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.

"Anak, CEO ng isang malaking kompanya yang kaibigan mo pero sa halip na maglungga sa opisina at gawin ang trabaho niya, buong araw siyang naghihintay na makausap ka sa nakalipas na sampung araw." Nanay

"At dahil nanggaling na ako sa ganung buhay, alam ko ang pakiramdam ng hindi pumapasok sa opisina at matambakan ng trabaho at pipilitin mong matapos lahat bago ka ulit makahinga ng maluwag." Paliwanag ni Tatay. "Ang sabi pa man din sa balita, maglalaunch ng bagong sports car ang kompanyang pagmamay-ari niya."

Napanguso ako. Guilty na naman ako. Ako na naman ang may kasalanan. Hindi mawala-wala sa isip kong hindi kami magkalebel. Pansamantala kong nakalimutan na bukod sa paghingi ng tawad sa akin, may iba pa siyang mga bagay na kailangan gawin at responsibilidad na kailangan gampanan. Naging makasarili na naman ako. Puro na lang sarili ko ang iniisip ko.

"Nak, may tumatawag sa phone ni Wyeth." Nagambala ang iniisip ko dahil sa sinabi ni nanay.

Agad kong sinagot ang tawag dahil baka importante iyon.

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon