Chapter 27

6.2K 144 2
                                    

Eula's POV

Mula sa hospital ay dumiretso kami dito sa hotel na tinutuluyan ng pamilya ni Wyeth. Gusto kasi niyang ipakilala si Andrei sa mga lolo at lola nito pati na rin sa iba pa nilang kapamilya.

At magmula kanina, hindi na matigil-tigil sa pagtambol ang puso ko. Kanina pa ako kinakabahan sa muling pakikipagharap ko sa mga kapamilya ni Wyeth.

Everything is a lot different now. Nang makasabay ko sila sa eroplano, hindi nila alam na may atraso akong nagawa sa kanila. Na matagal kong tinago si Andrei sa kanila at ni minsan ay hindi ko tinangkang sabihan man lang sila ng patungkol kay Andrei.

Hindi ko alam kung paano ko na pakikitunguhan ang pamilya niya ngayon. Paano kung magalit sila dahil may Andrei na kami ni Wyeth? Paano kung hindi nila matanggap si Wyeth bilang kapamilya?

"You look so tensed. May problema ba?" Naagaw ni Wyeth ang atensyon ko habang pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Meron! Malaki! Gusto ko sanang isagot sa kanya iyon pero pinili kong huwag na lang.

"None. Wala naman." Nakangiting tugon ko sa kanya.

"Are you sure?" He asked again.

Pinanganak din makulit tong si Wyeth. Ang kulit-kulit at ang daming tanong. Sinagot ko naman na kanina kung anong sagot sa tanong niya.

"Yes."

Muntik na akong atakihin sa puso ng tumunog ang bell ng elevator. Meaning we've arrived at our floor.

Oh God! Please help me deal with them.

Lumabas kaming tatlo at naglakad papunta sa kwarto kung nasaan ang buong pamilya ni Wyeth. Bawat hakbang na ginagawa ko ay parang kasing bigat ng isang toneladang semento. Sobrang bigat ng hakbang ko.

"You really looked so nervous Eula. They won't eat you alive. Cannibalism is not our thing." Biglang saad ni Wyeth ng tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng pinto.

Inirapan ko siya. Loko to. Nagawa pa akong biruin. Kinakabahan lang naman ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon nila Tito at Tita kapag nalaman nila ang patungkol kay Andrei.

Mahina siyang tumawa saka binaling ang atensyon kay Andrei. "Andrei, are you ready to meet lolo and lola?"

Napakunot ang noo ng anak namin. Hindi nga pala ito nakakaintindi ng tagalog. Umupo ako para maging magkapantay kami. "Andrei, papa asked you if you wanted to meet your abuelo and abuela."

"Ah! Abuelo and abuela. Yes. I want to meet them." Excited na wika ni Andrei.

Naramdaman ko ang paghawak ni Wyeth sa kamay ko. "Calm down Eula. You don't have anything to be worried about." He then reached for my hands to plant a soft kiss.

Weird mang pakinggan, nagawa niyang alisin ang kabang halos kumain na sa buong pagkatao ko. His words of comforts reached me.

He swiped the card to our suite then we entered the room. Kitang-kita ko kung paano natigilan ang buong pamilya nila ng pumasok kaming tatlo nila Wyeth.

Pero kabaliktaran sa inaasahan kong reaksyon nila, sweet smiles are formed in their faces.

Wade showed his thumb. "Woah! Kamukhang-kamukha siya ni kuya! Napakamalas na bata."

"Tsk. Bibig mo Wade." Sita sa kanya ni Kuya Blake saka naglakad palapit sa amin. "What's your name handsome boy?" He asked Andrei.

"Vin Andrei Faelnar." My son earnestly answered.

Nakita kong nagulat ang mga kasama namin sa kwarto ng dahil sa pagbigkas ni Andrei ng pangalan niya.

"Hindi pa po kasi napapag-usapan ang pagbabago ng apelyido ni Andrei from Faelnar to Santillan." Paliwanag ko sa kanila bago pa man nila magawang magalit sa akin.

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon