Chapter 32

6.3K 144 8
                                    

AUTHOR'S ADVANCE NOTE: The two part Nami Island Honeymoon special will be posted as a private chapter.

And by the way, hindi ko alam kung bakit nakabold tong buong chapter na to. I tried editing it pero ayaw talagang mabago. Pakiunawa na lang since i'm typing via mobile dahil wala akong pc or laptop sa bahay.

EDITED: Hindi na siya naka-bold lahat. Hahaha!






Eula's POV

After our short honeymoon, kung honeymoon ngang maituturing yun, bumalik na kami dito sa Manila.

Up until now, clueless ang iba naming kakilala. We wanted to keep it that way since napagdesisyunan din namang magpapakasal kami dito sa Pilipinas. It wouldn't make a change naman kesyo malaman ng lahat na nagpakasal kami sa Korea o hindi eh.

Pero ang pinakamalaking pagbabago ay ang panunugod ni Wyeth dito sa condo na tinutuluyan ko. Syempre, tuwang-tuwa si Andrei makita ang daddy niya pero hindi ko alam kung matutuwa ako knowing na nandito siya for a reason.

"Bakit hindi ka pa nag-iimpake Eula?" He asked with his demanding tone.

I noticed that he was with Ashton and Rafa. If i'm not mistaken, anak ni Ate Aaliyah si Ashton while anak naman ni Ate Shanelle si Rafa.

"Hello Rafa, Ashton!" Nakangiting bati ko sa dalawang bata.

"Hello Auntie Eula." Magiliw na bati ni Ashton.

"Good morning Auntie." Medyo straight-faced na bati ni Rafa. May pinagmanahan talaga ang batang to.

"Kuya Rafa! Kuya Ashton!" Napalingon ako kay Andrei na excited na excited makita ang mga kuya niya.

"Bro!" Masiglang tawag ni Ashton kay Andrei kaya napanganga ako.

Nilapitan nila Rafa at Ashton si Andrei saka inakbayan.

Oh my god! Am I seeing things right? Bakit mukhang teenagers na kung umasta tong baby ko?

Inalis ko na lang ang paningin ko sa mga chikiting na akala mo eh teenager na magbabarkada at itinuon ang atensyon ko sa lalakeng nakangisi sa harapan ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Akala ko ba Wyeth napag-usapan na natin to?"

"Yes. I know. Alam kong napag-usapan na nating lilipat ka na sa bahay ko."

Nakakainis na tong si Wyeth. "Yes, I know! Pero ang usapan natin, lilipat lang ako after ng kasal natin dito sa Pilipinas."

"That would happen next month. Better start moving now." Kampanteng saad niya saka umupo sa sofa ng unit ko.

Little by little, Wyeth becomes so demanding. Naramdaman ko na yun noong naghohoneymoon kami pero hindi ko inakalang may mas lalala pa pala sa pinakita niya sa akin noong honeymoon namin.

"Wyeth, you're back at it again." Naiiling na sabi ko sa kanya.

"What?!" Sabi niya na akala mo hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko.

Dumiretso ako sa kusina para gawan ng juice at mabigyan ng cake si Wyeth. Nagdala na rin ako ng snacks para sa mga batang nagkulong na sa playroom ni Andrei.

"Ewan ko sayo Wyeth. I told you that I am staying and i'm going to stay. I promised right?" I reminded him.

Alam ko namang kaya niya ako ginagwardiyahan dahil natatakot siyang ulitin ko ang pag-iwan sa kanya. Hindi lang naman siya ang nasaktan that time. I don't want to experience the same pain I experienced before.

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon