Chapter 26

5.9K 137 5
                                    

Crystal's POV

Mukhang matagal pa bago maiisipang umuwi nila Wyeth kaya naisipan kong maglibot-libot muna ng makita kong paalis ng hotel si Wyeth.

"Wyeth!" Pagtawag ko sa kanya pero mukhang masyadong pre-occupied ito at hindi ako narinig.

Sinundan ko na lang siya ng hindi nito napapansin. Mukhang papunta ito sa hospital na hindi kalayuan mula sa hotel na tinutuluyan nila.

Napatigil si Wyeth sa pagpasok sa hospital at nabaling ang atensyon sa dalawang taong naglalaro sa parke sa tapat ng hospital.

Nagulat ako ng mapatitig ako sa batang kasama ni Eula na naglalaro.

"May anak sila ni Wyeth?" Hindi ko napigilang maibulas ng makita ko ang bata.

Kamukhang-kamukha kasi ni Wyeth yung bata. Sa pagngiti, sa pagtawa, Wyeth na Wyeth talaga.

"Yes. May anak sila so you better know where to place yourself Crystal."

Napalingon ako sa likod ko at mas ikinagulat ko ang taong nasa likuran ko. Hindi ko inexpect na makikita ko pa siya ulit.

"O-of course. I know where to place myself. Magkaibigan lang naman kami ni Wyeth." Paliwanag ko sa kanya.

"I've been with her for four years already. You were the reason why she's having a broken heart." Tumingin siya sa akin. Isang tingin na ni minsan ay hindi niya itinapon sa akin noon. "Hindi ako makakapayag na saktan mo pa siyang muli Crystal. I'm willing to do anything just to save Eula from her misery."

It's not a statement. It's a threat. Handa siyang gawin ang lahat para lang sa ikasasaya ni Eula.

Muli kong tinitigan si Eula. She's a simple girl yet she has everything that I lacked. Wyeth is in love with her. She bewitched him.

And the guy at my back is obviously in love with her. Hindi mo naman gagawin ang lahat para sa isang tao kung hindi mo siya mahal hindi ba?

Right now, I wanted to ask him.

Ano bang meron si Eula na wala ako para magawa mo siyang mahalin sa loob lang ng apat na taong magkasama kayo? Ako ang nakasama mo ng halos buong buhay mo pero ni minsan hindi ko naramdamang minahal mo ko.

Eula's POV

Pagkatapos kong makitang maayos ang kalagayan niya, naalis lahat ng kabang nararamdaman ko sa puso ko. Andrei is the only thing that I could have. He's my everything.

"Mama! Let's play!" Nakangiting tawag ni Andrei sa akin kaya agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa bench.

Pero hindi pa ako nakakaapat na hakbang, naramdaman ko na ang sobrang sakit mula sa likuran ko. Napatigil ako sa paglakad at napaluhod sa sahig.

"Mama!" Narinig ko ang pagsigaw ni Andrei pero hindi ko magawang hindi indahin ang sakit na nararamdaman ko.

Diyos ko. Huwag naman ganito.

"Eula!" I felt those familiar hands. "Eula! Anong nangyayari sayo?"

Pinilit kong iniangat ang paningin ko sa kanya at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Nanlalaki ang mga mata niya at namumuo ang mga mumunting butil ng luha sa mga mata niya.

Gusto kong pawiin ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi ko kailanman gustong makitang nag-aalala siya ng sobra.

Kaya tiniis kong itago ang lahat sa kanya sa loob ng limang taon. Lumayo ako sa kanya para hindi niya malaman ang katotohanan.

Pero sadya atang walang sikreto na hindi nabubunyag.

"Mama!" Andrei is sobbing in my front. "Mama! What's happening to you? Are you in pain? Mama!"

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon