Chapter 25

6K 148 8
                                    

Eula's POV

Hindi ko maintindihan kung anong kamalasan ang pwedeng maihatid ng isang araw sa buhay ko. Totoo ngang napaka-unpredictable ng buhay.

Imagine, I am riding their family's private jet together with their whole family. For some unknown reason, kasabay namin ni Wyeth ang buong pamilya ng Santillan. Mukha namang magbabakasyon silang lahat. Kanya-kanya na kasi sila ng banggit ng mga lugar sa Paris na gusto nilang bisitahin.

Ako, mas mahalaga sa aking makita si Andrei. Mas gusto kong masigurong safe ang anak ko kaysa sa ang magliwaliw sa Paris.

Pero ang pinakaweird sa sitwasyon ko ay nakaupo sa harapan ko si Wyeth na akala mo ay binabantayan ang bawat kilos ko. Nakatingin siya sa akin na para bang isa siya sa mga security guards ko at hindi ako pwedeng mawala sa paningin niya. Samantalang kani-kanina lang, gusto na niyang putulin ang lahat ng kauganayan naming dalawa.

"Stop staring Wyeth. Pakiramdam ko, isa kang pulis na binabantayan ang subject niya. Pakiramdam ko may pulis na nakahandang humuli sa akin just in case maisipan kong tumakas?" Sita ko sa kanya.

His stares is really making me feel so uncomfortable. Seriously.

He chuckled. "Silly. Kahit pa takasan mo ko ngayon, saan ka naman pupunta aber? Tatalon ka mula dito sa eroplano?" Lumapit siya sa akin dahilan para mapaatras ako. "Masama na bang titigan ang first love ko? After all, five years din tayong hindi nagkita. Right?" Then he winked at me.

Woah! What a sudden change of mood. Kanina lang halos patayin niya ako sa galit tapos ngayon para siyang timang na nilalandi ako. Eto ba ang epekto kapag good mood siya?

His face was about so near to mine when suddenly a magazine popped in the middle of our faces. "Too near. Too much sweetness. Tama na ang landian dahil matatanda na kayo."

"Yeah right Crystal. Selos ka lang eh." Pang-aasar ni Wyeth kay Crystal.

Yes. Crystal is with us. Gusto daw sumama kay Wyeth kaya pinasama niya. As simple as that.

Kung alam ko lang, malamang binabantayan ako niyan baka kasi iniisip niyang aagawin ko si Wyeth when in reality, hindi ko habit ang manira ng relasyon ng may relasyon.

"Oh yeah. Nagseselos ako Wyeth so behave yourself." Hinampas niya ito ng magazine bago tuluyang pumunta sa cabin.

Well, Crystal is a flight stewardess that's why I can't deny the beauty she has. Matangkad na, maganda pa, eh di siya na!

"Huwag mong patayin sa titig mo si Crystal. Sayang din ang legs nun." Nakangising sambit ni Wyeth habang nakatitig sa akin.

"Bakit ko naman siya papatayin sa titig ko? Inaadmire ko lang naman siya. She has the beauty and the curves." I crossed my arms then faced him. "Hindi naman halatang mahilig ka sa mga babaeng may magandang legs." Walang kagana-ganang sabi ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas. "Oh yes. Pero isang legs lang ang kinababaliwan ko."

"Kaninong legs?"

"Ui, curious siya. Selos ka rin ba ex?" He teasingly said.

So he can joke with me now? Ganun na talaga siya kakomportable sa sitwasyon namin? Nagagawa na niya akong iacknowledge as ex? Is that it?

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Oh shut up Wyeth. Kung ayaw mong sabihin, eh di wag. Hindi ka naman pinipilit kasi."

Tumawa siya ulit ng malakas. Nakakaasar marinig ang pagtawa niya. Ang hilig hilig talagang mang-asar ng lalakeng to.

"Okey. Okey. Para matigil na yang pagseselos mo kahit na wala ka naman ng karapatan."

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon