Chapter 29

5.9K 141 2
                                    

Eula's POV

Kahit na anong pangungulit ang gawin ko kay Wyeth, ayaw niya talagang sabihin kung ano yung ibig sabihin ng sinabi niya kanina. Kahit pasiguro pagbantaan ko yun, hindi yun magsasalita.

Pagkatapos naming maglaro sa tabing-dagat, dumiretso kami dito sa Villa at laking gulat na lang namin na nandito na si Liam at may bitbit na camera.

"Prepare now. Late kayo kaya dapat magmadali kayo." Masungit na sabi niya kaya kumilos kami agad ni Wyeth.

Inaayusan si Wyeth sa kabilang kwarto at nandito ako sa kwarto ko at nag-iisa. May mga nag-aayos sa akin kahit pa na kaya ko namang ayusan ang sarili ko.

"Mam, etong white shorts at white polo po muna ang susuotin niyo for this shoot." Inabot ng babae yung mga susuotin ko daw kaya agad ko yung kinuha saka ako nagpalit.

Pagkatapos kong magpalit, inayos nila ulit ng konti ang make-up ko tsaka ako pinaakyat sa pinakataas na floor ng villa. Sa pinakataas daw gaganapin yung photo shoot.

Papanik na ako ng makasalubong ko si Wyeth na kalalabas lang din ng kwarto niya. Nakawhite sweater naman ito at nakwhite pants. He looked so dazzling in white.

"Wow. You looked so nice." Sabi ko sa kanya.

"You too. You looked, uhmmm. Sexy?"

"Bakit question mark?" Napatingin naman ako sa katawan ko at pinakiramdaman ito. "Kahit naman nanganak na ako, wala naman akong unwanted fats sa katawan ha?"

He held my hand. "Oo na. What I was just saying is that you looked so gorgeous."

Magkahawak-kamay kaming pumanik at dumiretso sa kwartong paggaganapan ng photo shoot.

Muntik na akong mapalunok ng isang daang beses ng makita ko ang itsura ng kwartong pagso-shooting-an namin.

The room was designed for honeymooners. May mga rose petals sa kama na nakahugis puso. May mga bathrobes rin na nakapwesto sa tabi ng kama. May mga scented candles na nakasindi sa buong kwarto which gave off the romantic feeling.

"Good thing you're here. Simulan na natin to." Liam said.

"Ano bang concept dito?" I asked.

"Isn't it obvious Eula? Dapat the moment you entered this room, may ideya ka na kung anong concept dito." Sagot sa akin ni Liam na ikinagulat ko.

Bakit kailangan niyang magsungit? Is this his work monster self? Kung ganito siya araw-araw malamang taguan ko siya forever o di kaya magresign ako sa kanya.

"You don't have to scold her. It's her first time doing this kinds of photo shoots. She doesn't have any idea what to do." Pagtatanggol ni Wyeth sa akin.

Wyeth pulled me to the bed. "Eula, umunan ka dito sa dibdib ko."

Ginawa ko ang sinabi niya. Liam, on the other hand, started taking photos.

I really don't know where to look at. Hindi ko alam kung titingin ako sa camera o titingin ako sa ibang direksyon. I really don't have any idea with this!

While I am busy with my thoughts of what to do, I felt Wyeth's hand crawling inside my polo.

"Ah! Hahaha! Stop it!" Pilit kong nilalayo yung kamay niyang kinikiliti ako pero sadyang mapang-asar ang loko. "Nakikiliti talaga ako Wyeth! Tama na. Hahaha." Halos mapugto na ang hininga ko ng matigil si Wyeth sa pagkiliti sa akin.

Ginantihan ko siya at kiniliti sa leeg pero mukhang walang talab sa kanya. "Eh? Wala kang kiliti? Saan ka may kiliti?"

"I'm not that ticklish Eula. Unlike you." Natatawang sabi niya.

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon