Chapter 33

5.9K 132 3
                                    

Eula's POV

"A-ano? Pakiulit nga yung sinabi mo?"

Nabibingi lang ako. Hindi naman siguro tama ang narinig ko.

"I said hand him over to me. Ibalik mo na siya sa akin." Crystal said while crying. "Magmula ng dumating ka sa buhay namin, mas lalo siyang nawala sa akin. Noong wala ka pa, hindi na nga siya naging akin. Ngayong nandiyan ka, mas lalo mong pinaramdam na wala akong lugar para sa kanya."

"I-I never wanted you to feel that way Crystal. I swear."

Hindi ko akalaing habang nagiging masaya ako, may isang taong lumuluha at nasasaktan. All I wanted is my son to be happy. I wanted to give him a complete family he longed for.

Even for a while.

"I know. I know. Alam kong gaya ko mahal mo din siya." She pleadingly looked at me. "Pero kailangan ko siya Eula. He's all that I need."

I felt so helpless. I wanted to be selfish for my son but I know I can't. Crystal is his future. Ayokong sirain ang future nilang dalawa lalo na at malabong magkaroon ng future si Wyeth sa akin.

I know sooner or later I had to leave. I had to leave him again all alone.

Pero gusto kong makasama si Wyeth hanggang sa pinakahuling sandali ng buhay ko. I don't have that long. Anytime, pwede akong mawala sa kanilang dalawa.

Pinilit kong magpakatatag. "I'm sorry Crystal. Kailangan ni Andrei ng buong pamilya. And I plan to give it to my son." Even just for a while.

I walked away and threw all my hesitations away. I learned to prioritize my son's welfare since the day he started his existence inside my womb. I never cared about myself. He's all that I care for. And as long as I am living, I will care less about other things and I'll focus to Andrei.

"But we're already married Eula. Magkakaanak na nga kaming dalawa."

Napatigil ako sa sigaw niya. Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakaupo na siya sa sahig habang umiiyak.

"Yes, Eula. We're married. Four years ago pa ng magpakasal kami and i'm pregnant with his child."

Pakiramdam ko mali ang ipilit ang gusto kong mangyari. Mali ang gagawin kong pagpupumilit na sumiksik sa buhay nila.

Ano na lang ang mangyayari sa anak niya?

Oh God, give me enough strength. This is too much.

"Crystal I'm-"

"Eula!"

"Mama!"

Napalingon ako sa likod ko. Ang dalawang taong bumubuo sa pagkatao ko. Ang dalawang lalakeng mahal na mahal ko at handa kong isakripisyo ang lahat para lang maging masaya sila pareho.

Napawi ang ngiti sa mukha ni Wyeth ng mapansin ang babaeng nasa likuran ko at nakaupo sa sahig.

"Crystal!" Mabilis niya akong nilampasan saka dinaluhan si Crystal. "Are you alright? May masakit ba sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?" Alalang tanong niya kay Crystal.

At that moment, I saw what they have. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Wyeth. He cares for her.

And it pained me. It's a sight I wouldn't want to see but I think I have to.

Nang hindi sumagot si Crystal, dali-dali siyang binuhat ni Wyeth saka dinala papunta sa labas ng building.

And for the first time, I felt the pain of being left by the man you love for another woman and it's killing me inside.

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon