Chapter 34

6K 133 5
                                    

Eula's POV

Hindi ko alam kung nasaan ako pero sobrang panghihina ang nararamdaman ko. Halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa sobrang panghihina.

Napalingon ako at nadatnan ko si Ate Elle na nakabantay sa akin.

"You're awake." She said.

"Yeah. Med-medyo nanghihina lang. Where are they?" I asked her ng mapansin kong walang ibang tao sa kwarto.

Bumuntong-hininga si Ate Elle. "Pinauwi ko na muna. Mukhang natrauma si Andrei sa nakita niyang nangyari sayo."

I weakly smiled. "Everytime that happens to me, lagi na lang siyang natatrauma. Naawa na ako sa anak ko. He's too young to experience such things."

It's a pain that is unbearable for a child like Andrei. Yung takot na sa tuwing aatakihin ako, baka mawala na ako. In an early age, namulat na ang anak ko sa ganung takot.

And it's a fear I can't erase on his mind.

"Eula." Nakikita ko ang pagkahabag sa mga mata ni Ate Elle but she knows that I don't need it.

"Ate Elle. Stop that. Hindi nakakatulong eh. Nakakabigat lalo ng loob."

"Sorry for this Eula." She wiped her tears. "Pero buntis ka ulit. You do know the consequences for this right?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kanya. "B-buntis ako?"

Bumakas ang gulat sa mukha ni Ate Elle. "Hindi mo alam? Mag-iisang buwan ka ng buntis Eula."

Nablangko bigla ang isip ko. Hindi ko inakalang magdadalang tao pa ako pagkatapos ni Andrei.

Okey, I know that there are possibilities because i'm married to Wyeth now pero this soon? Hindi ko inaasahan to.

And with my condition, hindi maganda to.

"Ate Elle, alam na ba ni Wyeth to?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Mabilis na tumango si Ate Elle. "He must have learned about it by now. Sinabi ni Doc Vasquez yung kondisyon mo. Ni-recommend ka pa nga nila kay Doc Bautista."

No! Hindi pwedeng malaman ni Wyeth ang patungkol sa kondisyon ko. Lalo na ngayong nagdadalang-tao ako.

"Ate Elle, help me please?" Pakiusap ko sa kanya.

"I'm already helping you Eula."

"No. Help me to escape the vicinity of your hospital."

"WHAT?" Gulat na sigaw ni Ate Elle kaya napangiwi ako. "What are you thinking Eula?"

"Ate, you do know about my condition. You were there when I gave birth to Andrei. Alam mo kung anong mangyayari if I'll push through this pregnancy." Automatiko akong napapikit ng maalala ko ang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko nang isilang ko si Andrei. "And if Wyeth happens to learn about my condition, sigurado akong ipapaabort niya ang bata. Ayokong ipaabort ang anak namin."

"Eula, how sure are you na ipapaabort nga ni Wyeth yang anak niyo? Sige nga. Why are you judging Wyeth without letting him know? Hindi mo ba siya pinagkakatiwalaan?" Nakagat ko ang ibabang labi ko ng marinig ko ang sinabi ni Ate Elle.

I trust him and I know him so much kaya nga alam kong kapag pinaalam ko sa kanya ang patungkol sa magiging anak namin at sa kondisyon ko, sigurado akong ako ang pipiliin niya at mas gugustuhin niyang isuko ang anak namin kaysa sa mabuhay sila.

"Ate, I know Wyeth for years. Alam kong mas pipiliin niyang mabuhay ako kaysa sa anak namin." Hinawakan ko ang kamay niya. "Ate, help me please. If ever mali ako, kusa akong babalik. But if he'll push through the abortion idea, hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya."

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon